Hayden Kho, takot na takot kay Lolit Solis?! – Ronnie Carrasco

HARDCORE POLITICIANS ARE also made up of romantic stuff.

Ito ang puwedeng sabihin tungkol kay Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses nang sorpresahin niya ang kanyang nobyang si Quezon City Councilor Aiko Melendez sa bisperas ng kaarawan nito. Nagulat kasi si Aiko sa tumambad sa kanya: mga bulaklak magmula sa gate ng kanyang tahanan hanggang loob ng kanyang kwarto. Literally, the whole house was transformed into a rose garden!

Sa free birthday concert nga ng aktres-pulitiko held at the QC Football Field nitong Biyernes, hindi naiwasang itanong kung nagbabadya na ba ‘yon ng kanilang pag-iisang dibdib. Sagot ni Aiko, “Puwede siyang magkasal kasi mayor siya, so siya na rin ang magkasal sa amin. Ha-ha-ha!”

Halatang Aiko is biding her time as far as settling down. Consistent naman kasi ang aktres sa pagsasabing she and Pat are enjoying each other’s company, kaya there’s no need to rush things. Besides, Aiko knows better this time around. Minsan na niyang sinisi ang paggiging emotionally unstable pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

HINDI RAW SA ayaw mag-guest ni Hayden Kho sa Startalk, kundi natatakot daw ito sa threatening presence ng isa sa mga host nitong si Lolit Solis.

But ‘Nay Lolit is quick to shift gear: hindi raw niya tatakutin si Hayden, kundi nais niya itong bigyan ng pagkakataon to acquit himself. Ang hirap daw kasi sa sweetheart ni Dra. Vicki Belo, he believes his own lies. Sinang-ayunan din ni Butch Francisco ang obserbasyong ‘yon ng kanyang fellow host.

Sa ngayon, nagsimula na ang self-imposed hibernation ni Hayden. It’s a goodbye for now to showbiz. Really? Huwag nating kalimutan na hindi pa tapos ang kinakaharap niyang kaso, and this is just the beginning of ominous things to come.

SENATOR CHIZ ESCUDERO puts himself to a test of intellect as he takes the hot seat in this Saturday’s episode of Who Wants To Be A Millionaire. Naku, wish ko lang, huwag niyang gamitin ang kanyang upuan to deliver profound speeches in Tagalog na wari’y simula na ng campaign period, ‘no!

Patutunayan naman ni Ruffa Gutierrez sa January 2 in the same show that she’s not just a pretty face, kundi may talino rin, above all. Dito mate-testing ang grace under pressure ni Ruffa na gamay na niya with her beauty contest background.

Bilang pagdaraos naman ng kanyang 44th birthday, si Sharon Cuneta naman ang magpapakitang-gilas on January 9 as she goes for the one million at stake.

Siyempre, mapapanood ito sa TV5 where the power of convergence will propel its programs to greater heights this 2010. Talaga lang, ha?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

5 thoughts on “Hayden Kho, takot na takot kay Lolit Solis?! – Ronnie Carrasco

  1. DI LANG SI HYDEN ANG MAY KASALANAN PATI NA RIN YANG SI MALANDING KATRINA HALINGHING NA YAN KUNDI DI BA NAMAN EH BAKIT PUMATOL SIYA KAY HYDEN SINASABI LANG NIYA NAGMAHAL LANG SIYA PWE,,,ISA PA YANG SI TANDANG LOLIT SOLIS AKALA MO KUNG SINONG MAGSALITA HOY TIGNAN MO MUNA YANG MUTA MO SA MATA MO,,,KAINIS KA,,,

  2. Obviously naman na personal na ang galit ni Lolit Solis at manyakis na si Bong Revilla. Siguro kabit ni pokpok Katrina Halili yan. Kaya lahat ng issue nakikisawsaw. Ayaw nalang intindihin ang problema sa Pilipinas. Mas marami pang mas masahol na dapat intindihin bakit nanggagalaiti sa kaso ni Hayden. Na revoke na nga yung license ano pa ba ang gusto ninyo? Kaya hindi na ako nanonood ng Startalk nakakabwisit ang pagmumukna ni Lolit Solis. Ito naman si Katrina Halingling akala mo victim siya. Sorry I dont feel sorry for you.

    • true, kung matinong babae si katrina ay hindi siya papatol sa lalaking may sabit. iniisip niya cguro na kung totohanin siya ni hayden ay proud siya dahil ang asawa niya ay isang doktor.

  3. bakit ang tao takot kay lolita solis, kasi mukhang pera yan si lolita solis at sa dami ba namn na scandal na napasukan nyan eh inuuod na rin yan ang kaluluwa nya makapal talaga ang mukha nyan kasing kapal ng maitimng budhi nya, pwe basura yan

Leave a Reply

Your email address will not be published.