Hayden Kho, not man enough?

BONGGA NA TALAGA si Mommy Dionesia Pacquiao dahil showbiz na showbiz na siya ngayon.

Nu’ng nakaraang birthday niya sa Gen. Santos City, talagang sinadya ng Startalk para kunan ang bonggang handaang iyon at siyempre ang ballroom dancing ni Mommy Dionesia.

Kinalkal ko nga ang reporter namin na pumunta doon kung ano ang hitsura ng dance instructor niya, dahil natsitsismis doon si Mommy Dionisia.

Ang sabi naman sa akin ng Startalk reporter namin, mga mukhang bading naman daw ang itong mga DI ni Mommy Dionisia.Kaya lang, hanggang ngayon ay natsitsismis siya roon, na nakarating na yata ito kay Manny.

Ang dami ko na ngang naririnig tungkol sa DI niya, pero siyempre, inaalam pa muna kung totoo ‘yun o hindi.

Ngayon ay nakatakdang lumuwas dito si Mommy Dionesia kasama ang DI niya dahil may dance number yata ito sa SOP.

Mukhang hindi lang sa SOP ang guesting niya kundi sa halos lahat ng programa. May offer na nga sa kanya na mag-pelikula, pero si Manny lang daw ang kumokontra. Pero mukhang nag-i-enjoy ang bonggaderang Mommy Dionesia, kaya baka makumbinse itong pasukin na ang showbiz.

Baka meron nga raw silang gagawin na sitcom ni Manny, kaya abangan na lang natin.

HINDI NA NGA pala si Mark Anthony Fernandez ang ka-partner ni Carla Abellana bilang Rosalinda kundi si Geoff Eigenmann na. May ibang project naman daw na nakalaan ang GMA 7 para kay Mark Anthony.

Nakatakda pa palang umalis patungong Mexico si Carla para mag-workshop doon, pero hindi na natuloy dahil diyan sa H1N1 virus na iyan.

Mukhang matindi ang paghahanda ng GMA 7 sa Rosalinda na ito ni Carla, dahil kailangang hindi sila magkamali rito at mapasikat nila gaya ni Marian Rivera.

Pinaghahandaan na rin ang casting ng Darna ni Marian at ang isa na nga raw sa makakapareha niya rito ay si Mark Herras. Pero hindi pa umaasa ang alaga ko hangga’t hindi pa sila nagsisimulang mag-taping. Malay natin, baka mabago na naman.

Kay Katrina Halili kaya, ano ang balak ng GMA 7?

Ang latest na narinig ko, pagkatapos magsalita ni Katrina sa Startalk, laging umiiyak na raw ito at nagmumukmok sa kuwarto niya.

Ito namang si Dr. Hayden Kho, meron pa siyang sina-suggest kay Katrina na makipagkita sa kakilala niyang pari.

Kailangan daw nito ng spiritual advise at malaki raw ang maitutulong nitong pari na sina-suggest niya. Hindi ko lang maalala kung ano ang name nu’ng pari na ‘yun.

Diyos ko day! May pa-suggest-suggest pa siya na humingi ng spiritual counseling si Katrina samantalang kagagawan naman niya ito lahat.

Nakapagsalita na nga si Katrina. Si Hayden naman ay tahimik lang at si Dra. Vicki Belo pa ang pinagsalita niya para sa panig niya.

‘Di ba dapat, bilang tunay na lalaki, siya ang dapat na magsalita sa pagkakamaling ‘yun para kahit papa’no maabsuwelto naman si Katrina.

Hay naku!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

6 thoughts on “Hayden Kho, not man enough?

  1. ahihi…may i remember naman ang isang episode ng sex in the city sa dramang katrina, hayden and vicky bells. yung episode ba na mabalitaan ni samantha (vicky in this case) na yung guy (hayden sa kasong to) like to have sex with models only. and when they finally went to bed samantha asked “vini-video mo ba ko”. the guy replied “no, models lang” and she replied “i dont mind”

    now i wonder…models and actresses lang ba? kasi naman ika nga ni boy, manalamin tayo. vicky thunder ka na. be flattered kung kasama ka sa collection nya, otherwise pampagulo ka lang.

  2. nasaan na si Hayden Kho? is he filming another video? who’s the (un)lucky lady this time? you’re sick hayden!

  3. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #66

Leave a Reply

Your email address will not be published.