Hayden Kho, nililigawan ulit si Dra. Vicki Belo?!

SA MGA past interviews ni Aga Muhlach, palagi nang naitatanong sa kanya  ang   pulitika.  Ilang taon na rin ang nakaraan nang mapabalitang tatakbo ito bilang mayor ng Muntinlupa, pero hindi ito nagkatotoo.

Ngayon naman, napabalitang tatakbo naman ito sa bayan ng kanyang mga magulang sa Camarines Sur bilang kongresista sa 4th District. Diumano, nagpa-register na rin daw si Aga bilang botante sa San Jose, Camarines Sur. May posibilidad kaya ito?

Kuwento ni Aga sa Paparazzi, “Well sa politics tinitingnan ko talaga siya, you know taga-Bicol kami, nadadalas nga ako du’n. Tinitingnan ko, sabi ko why all of a sudden bakit parang gusto ko siya. Siguro, yes! It’s parang stages sa buhay natin na all of a sudden you just want to do something.

“Ayoko namang sabihin na, ayoko namang parang cliche na I want to help, ang point ko lang kasi, ‘yung pagtulong kasi, feeling ko lang puwede mo talaga gawing tumulong, and when that happen kasi, masaya ‘yung tao, ‘pag masaya kasi ‘yung tao, ‘di ang sarap ng feeling para sa ‘yo na ‘pag lumalakad ka du’n, pinagmamalaki nila ‘yung pangalan mo.”

Kapag matuloy siyang pumalaot sa pulitika, ipagpatuloy pa rin kaya niya ang pag-aartista?

Aniya, “Yes of course naman, kasi sabi ko nga hindi naman tayo… kailangang pagbigyan nila ako du’n kasi naghahanap-buhay ako. Ang pulitika naman, hindi naman paghahanap-buhay ‘yan. Kumbaga, hindi ko na pagha-hanap-buhayan yan, ibig sabihin pera ng tao ‘yan.”

Tanong pa kay Aga, ano naman kaya ang say ni Charlene sa plano niyang mag-pulitiko? All out support ba siya or she’s discouraging him?

“No no no, she will never of course, she will try to at first ano, not to discourage but tell me the fact na parang you know, ang sa kanya naman, last night lang, we were talking about that.

“Sabi niya whatever will make you happy, ang sinabi niya sa ‘kin, if you do run in case you decide to run ano, sabi niya lang please, sabi niya talaga “please make sure that you do good’… para you give to them what’s theirs… ‘yun lang talaga ang request niya sa ‘kin.”

 

“YES, I’M okay.”

Ito ang matipid na paunang sa-lita ni Hayden Kho sa eksklusibong panayam sa kanya ng Paparazzi Showbiz Exposed last Saturday.

Nakorner ng show ang ex-boyfriend ni Dr. Vicki Belo sa opening ng Mango Tree Restaurant sa may The Fort noong March 27.

Matatandaang naging elusive at hindi nagsasalita si Hayden tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Dr. Belo, dalawang buwan na ang nakararaan pati na ang diumano’y ugnayan nila ni Nancy Castiglione.

“Nakita ko siya, nag-usap na kami,” ang tugon ni Hayden sa tanong kung nagkausap na nga ba sila ni Vicki matapos ang kanilang paghihiwalay ng landas.

Sunod na tanong ng segment producer ng show kung totoo nga bang nag-date uli sila ng doktora? Lumabas kasi sa ilang panulat na nagkita na diumano ang dalawa at muli raw sinusuyo uli ng binata ang dating kasintahan.

Nag-date daw kayo sa ibang bansa? Sa Italy ba? Sagot ni Hayden, “Sino may sabi? Hindi totoo ‘yun, hindi ako umalis ng bansa, ang pag-alis ko lang, L.A. ‘yun lang.”

Sunod na katanungan kay Hayden ay kung may katotohanang niligawan nga ba niya ulit si Vicki.

Tugon nito, “Akin na lang ‘yung mga ganyang bagay.”

Nang maungkat naman ang tungkol sa kanila ni Nancy Castiglione, ma-tipid at pagtanggi pa rin ang sagot ni Hayden.

Aniya, “Wala, ewan ko.”

Ayon pa dito, ‘yung mga ganyang isyu ay patay na at hindi na kaila-ngang buhayin pa.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

6 thoughts on “Hayden Kho, nililigawan ulit si Dra. Vicki Belo?!

  1. hay ewan ba sa dalawang yan.. talo pa ang mga teenagers pagdating sa drama ng pag ibig!! dapat kasi ky ms. vicky.. iwanan nia n talaga.. eh, harap-harapan n din nman siya niluluko ni hayden na yan.. parang wlang delikadesa tuloy to si vicky!

  2. sabi na nga ba eh! pinalabas nila na break na sila para mapagusapan at tinitignan kung makakabalik pa si hayden sa showbiz pero wise na ang mga tao kaya wala na silang pakialam kina hayden at belo, kaya ngayon untyi unti na nilang inilalabas na nililigawan uli ni hayden si belo pero ang totoo sila pa rin! mga hinayupak na toh, akala naman kasi na mapapaniwala agad ang mga tao, kung di naman kasi tanga, kahit anong gawin ni hayden, hindi na sya makakabalik sa showbiz dahil kinakarma ka nang manyakis ka!

Leave a Reply

Your email address will not be published.