HAYDEN KHO, NILILIGAWAN NG TV5?

TOTOO KAYA ANG tsikang nililigawan ngayon ng Kapatid network ang controversial celebrity doctor-turned-perfume ambassador na si Hayden Kho? Balitang may malaking offer daw ang TV5 sa controversial personality na mag-host ng isang talk show ngayong taon. If the offer is good, why not? Pampabango rin ‘yan sa negosyo! Busy ngayon si Hayden sa kanyang lumalagong perfume business, pero hindi na talaga nito matatakasan pa ang mundo ng showbiz, ang nagpasikat at nagpabagsak sa kanya.

Samantala, muli na namang binabatikos ng madla ang boyfriend ni Dra. Vicki Belo dahil sa mga tweets nito na akala ng ilan ay tungkol kay Sharon Cuneta.

RR ENRIQUEZ, UMISPLIT NA SA BANANA SPLIT!

Isa na naman sa original members ng programang Banana Split ang nag-resign. Ito ay ang ex-Wowowee girl na si RR Enriquez. ‘Lack of exposure’ umano ang rason ng sexy star kaya nito naisipang lisanin ang show.

Nag-umpisa ang Banana Split bilang isang all-female gag show kunsaan kasama sina Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, Valerie Concepcion, Cristine Reyes, Diane Medina at Princess Ryan. Nag-reformat ang show ng ilang beses at tila mas napapansin na ang mga bagong salta kesa mga datihan.

Tanging si Angelica na lang ang natira sa original cast ng gag show. Mapapanood sa Precious Hearts Romances presents Mana Po si RR bilang bestfriend ni Melai Cantiveros, na nakipag-split na rin sa Banana Split.

TAYLOR SWIFT, BUMILIB KAY SAM CONCEPCION!

Sa rami ng Filipino performers, si Sam Concepcion ang napili ng kampo ni Taylor Swift para mag-front act sa katatapos lang na concert nito sa Araneta Coliseum. Isa itong malaking break para sa Kapamilya teen star, kaya bigay-todo ito sa kanyang performance.

Ilan sa mga kinanta ni Sam ay ang hits na ‘Yeah X3’, ‘Kung Fu Fighting’, ‘Even If’ at ‘Fireworks’. Nakausap din ni Sam ang tatay ni Taylor at nagkaroon ito ng pagkakataong makausap ang international singer.

“Don’t you just love Sam Concepcion?” tanong ni Taylor sa audience at agad naman naghiyawan ang mga tao. Good sign ito sa music career ng binata. Congrats sa ‘yo, Sam!

POKWANG, OUT NA SA CAST NG ‘TEMPTATION ISLAND’

Out na rin pala sa cast ng Temptation Island ang komedyanang si Pokwang. Dapat ay siya ang gaganap sa papel na ‘Maria’, ang katulong na kasamang na-trap sa isang isla na inaapi-api ng kanyang amo.

May mga nagsasabing maganda nga sana kung sina Marian Rivera at Pokwang ang gaganap bilang mag-amo dahil nakitaan sila ng chemistry sa Super Inday. Hindi pa malaman ang tunay na dahilan ng pagkakatsugi ni Pokwang sa nasabing pelikula ng Regal Films. Hanggang ngayon ay wala pang balita kung sino ang papalit sa papel na nilisan ng Kapamilya star.


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

One thought on “HAYDEN KHO, NILILIGAWAN NG TV5?

  1. O sigi Hayden doon ka sa ka grupo mong si Cristy, Ruffa Dolly, Twisted mo sa Paparazzi, pareho kayong lahat, magagaling, magaling sa ehermmmm! Instead na ibalik mo ang respeto sa mga masa, yon, doon ka na naman pumasok sa hindi makatulong sa credibilidad mo. Kung gusto mong magbago, doon ka sa hindi mga showbiz tsismis kasi wala kang karapatan na mag comment sa ibang artists. Clean your act first. It will take awhile you know!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.