Hayden Kho, nawawala na sa eksena?!

NAKU HINDI KO maintindihan ang sagot ni Katrina Halili na, “Matagal na akong tao.”

May konek kaya ‘yun sa sinabi kong tuwing nakikita niya ang mukha niya sa salamin, naaalala niyang si Dra. Vicki Belo ang gumawa at nagpaganda ng ilong niya?

Parang malayo naman du’n sa sinasabi niyang matagal na raw siyang naging tao.

Wala namang kumokontra du’n, kung ano man siya, ‘no?! Ang punto ko lang naman dito, hindi na maganda na parang napaka-litigation happy na niya na hindi na tumutok sa kasong isinampa niya laban kay Hayden, kundi pati si Dra. Belo at ang Belo Medical Group pinag-initan niya.

Nakalimutan ba niyang malaki ang utang na loob niya sa Belo Medical Group dahil ang dami namang nagawa nito sa katawan niya?

Ngayon, gusto na niyang ipasara ito at pati si Dra. Belo patatanggalan pa niya ng lisensiya. Ano ‘yun?

Sabi ko naman dito kay Katrina, si Hayden na lang ang tutukan niya dahil ‘yun ang may nagawang malaking pagkakamali sa kanya. Si Dra. Belo wala, at siya pa nga ang may atraso du’n. ‘Di ba dapat, magsama sila ni Vicki kontra kay Hayden dahil pareho naman silang biktima rito?

Ang nangyari tuloy, si Katrina na ang kalaban ng lahat at hindi na nito nakuha ang simpatiya ni Dra. Belo. Ang dinig ko nga, idemanda na rin ni Vicki si Katrina.

Sobrang apektado na raw siya sa gulong ito dahil pati ang Belo Medical Group niya ay nadamay na. May narinig pa akong insidente na kinasangkutan ng NBI at ng clinic ng Belo, pero hindi ganu’n kalinaw ang kuwento sa akin. Kaya alamin n’yo na lang. Pupunta yata ng DOJ si Vicki ngayong araw dahil meron siyang ihahaing reklamo tungkol dito.

Naku! Ang dami nang nagaganap, baka makalimutan dito na si Hayden ang gumawa ng sex video na hindi alam ng mga babaeng nakaulayaw niya. Kaya ‘yun muna ang tutukan natin at dapat mabigyan ng hustisya.

Sana magsalita na itong si Maricar Reyes para magkaalaman na at kung ano ang  balak niya rito sa ginawa sa kanya ni Hayden.

NGAYONG ARAW NA magsisimula ang All My Life nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

In fairness, ang lakas na ng dating ng loveteam nila na ang tingin ko dati, parang wala silang chemistry.

Pero ang napapansin ko, parang mas type ni Kris si Aljur. Parang siya ang mas kilig na kilig kesa kay Aljur, ha?!

Lalo na nu’ng nag-guest sila sa Startalk, suot pa nito ang kuwintas na bigay sa kanya ni Aljur na binili pa raw sa Bulacan? Bongga, ha! Talagang sa Bulacan pa binili ang kuwintas na ‘yun.

Malakas ang feeling kong maghi-hit itong bagong series nilang dalawa. Nahinog na sila nang husto dahil sa magandang pagtanggap sa kanila sa Dapat Ka Bang Mahalin.

Mapapanood ang All My Life bago mag-24 Oras kaya mai-extend ang primetime block ng GMA 7.

Dito mahuhusgahan ang magic ng loveteam ng dalawa at kung kaya na nilang magdala ng isang primetime series.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.