Hayden Kho, nambastos ng female host sa NU Rock Awards?!

MAY MGA ILANG nag-react du’n sa pag-present ni Hayden Kho sa NU Rock Awards nu’ng nakaraang linggo na kung saan siya pa naman ang presentor para sa Best Video.

Siyempre, iba ang crowd nu’n dahil mga rock fanatics ang nandu’n kaya napaglaruan nila nang husto si Hayden.

Pag-akyat pa lang daw niya ng stage, nagsigawan daw ang mga tao ng “Idol! Idol!” Sinakyan naman daw ni Hayden ang ginawa ng crowd, nakipagbiruan pa raw siya sa host na niyaya raw niya ito na gumawa sila ng video, sabay hubad ng jacket niya.

Siyempre, nahiya naman ‘yung DJ na host nila dahil babae ‘yun, napaatras daw ‘yun at natawa na lang. Ginawang malaking katatawanan na lang dahil hindi na siniseryoso ni Hayden ang isyu ng sex video na nakakabit pa rin sa kanya.

Sabi nga raw nito sa kanyang Twitter account, nasa proseso raw siya ngayon ng moving on at sinabi nga niyang “I finally found myself, and I feel, really, really cool…”

Kaya lang doon sa NU Rock Awards, may ilang kababaihang nag-react na sana hindi ganu’n ang ipinakita niya na parang ini-enjoy pa nito ang eskandalong kinasangkutan niya.

Bukod pa riyan, babae ang kaharap niya, parang nakababastos pa rin ang dating.

Pero siguro gusto lang talagang ipakita ni Hayden na nakapag-move on na siya at kaya na niyang harapin itong kahihiyang pinasok niya.

Hindi nga raw madali sa kanya ang makabalik. Pero ngayon, nararamdaman daw niyang tanggap na siya ng mga tao dahil maganda raw ang feedback sa sinimulan niyang negosyo, itong Hayden na perfume na kalu-launch lang.

Siyempre nandiyan ang suporta ni Dra. Vicki Belo kaya madali naman sa kanya at nabigyan siya ng tamang chance.

‘Di ba ang laki ng billboard niya sa EDSA ng Hayden perfume niya? Kaya ewan ko lang kung ano ang reaksyon diyan ni Joel Cruz ng Afficionado Germany Perfume dahil naka-kumpetensiya pa niya ngayon.

Bongga ‘yan, magpapatalbugan sila ng pabango nila. Tingnan na lang natin!

AYAW NANG PALAKIHIN pa ni Rhian Ramos ang inilabas ng Tweetbiz na nakunan silang magka-holding hands ni DJ Mo Twister na naglalakad sa Eastwood. Basta ang sey lang niya, nanliligaw pa lang sa kanya si Mo kaya hayaan na natin.

Medyo naalarma lang dito ang GMA Artists Center dahil may Ilumina pa si Rhian at maganda pa naman ang samahan nila ngayon sa taping ni Aljur Abrenica kaya baka makaapekto pa ito.

Hindi naman nagsasalita pa si DJ Mo tungkol diyan, dahil tingin ko naman iba talaga ang tama nito kay Rhian. Kaya kahit anong laglag sa kanya ng mga co-host niya sa Juicy at Paparazzi, quite lang talaga siya. Siguro darating din ang araw, magkakaaminan din sila.

Tingin ko naman, matured na ang mga fans nila na kailangan naman nilang tanggapin kung sino talaga ang love ni Rhian.

Kung si DJ Mo talaga ang itinitibok ng puso niya, wala na tayong magagawa, basta gawin lang niya ang trabaho niya sa GMA-7. At tuloy pa rin ang kaso ni DJ Mo sa GMA-7. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

19 thoughts on “Hayden Kho, nambastos ng female host sa NU Rock Awards?!

  1. grabeh naman yang mga fans ni angel lokring… masyadong pikon at warfreak… of course public figure ang idolet nyo kaya she’s subject to criticisms kaya wag na kayong magtaka… losers… mga asar talo hahaha… lalo layong aasarin pag pinapakita nyong pikon kayo… totoo namang laos ang idol nyo at ingrata pa…. masakit bang marinig ang katotohanan? wahahaha

    • May alaga rin bang ALKA si Marian ? You know, gaya nang tiyanak. Alam mo ba kung saan galing ang tiyanak ? May naiwan si Marian na tiyanak sa Hongkong. May anak rin siya sa Navotas.

  2. hoy mga brukesh,may reserbang video pa raw si hayden! Si piola pascual partner nya! Grabe! Exciting! Malabrokeback! Bongga!

  3. hay naku, tiyak na nag-e-enjoy nito si hayden dahil kontrobersyal na naman siya. bagay nga sila ni belo dahil pareho silang maniac. kawawa naman ang mga biktima nila pareho sa kanilang kababuyan. itong si hayden nakakaporma na naman dahil sa suporta ni belo. alam naman niyang hindi siya iiwanan sa ere ng amoy lupang si belo.

    bastos si hayden dahil bastos din ang kanyang ina. siyempre, iyon ang values na itinuro ng kanyang ina sa kanya kaya siya lumaking ganon. si belo naman, wala ring moral values kaya naman lumaking maniac at mahilig sa lalaki na kalahati lang niya ang edad. amoy lupang maniac, iyan si belo. hahahahaha. pakastahin kasi ang kanyang ina.

  4. bakit kaya hate nla si angel locsin..may ginawa b sya s inyong masama???knowng angel npakabait nya nmn ah..dami p nga nya mga charities n tinutulangan..

    try nyo mga haters ni angel n gayahin sya..tumulong s kapwa di manira ng kapwa..pagpapalain p kau ng panginoon..

    • WHAT THE HELL!!!! THIS IS NOT SOMETHING TO DO WITH ANGEL ANO SUNTUKAN NLANG TAYO, KANINA KA PA AHHH….BAD KARMA MAKIKITA MO SAMANTALANG C ANGEL EH BLESSINGS ANG DUMADATING……

  5. di ko alam kung ano ang meron itong hayden na ito at baliw na baliw si belo???? kala ko ba she is for women empowerment? kapwa nya babae ang binalahura ng hayden na yan at kahit sya mismo nabalahura din dahil inamin nya na meron din silang video ni hayden, dapat jan sa hayden na yan makulong!!! dapat iboycott ang pabango at baka me video sa loob ng pabango na yan!!!! hayndi ako bibili nyan!!!

  6. BAKIT OVER KA MAG-REACT SAMANTALANG KUNG YUNG FEMALE DJ NA HOST NATAWA LANG SA BIRO NI HAYDEN?
    IBA ANG ATMOSPHERE DURING THE NU ROCK AWARDS KAYA NAGAWANG MAGBIRO NI HAYDEN NG GANUN.
    MINSAN PARA MADALING MAKA-RECOVER SA MGA PROBLEMANG PINAGDADAANA, KAILANAGN NATING IDAAN S TAWA ANG LAHAT. HUWAG KA NGA MAKIALAM. TIGILAN MA NA SI HAYDEN. NAPAGBAYARAN NA RIN NY KAHIT PAPANO ANG NANGYARI DAHIL NAWALA ANG LICENSE NYA. GUSTO MO LANG MAGPABAYAD KAY VICKI KAYA MO TINITIRA SI HAYDEN. NAGPAPATAAS KA LANG NG PRESYO!!!! MUKHA KNG PERA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.