Hayden Kho, magbebenta na ng pabango!

Ilulunsad na rin ngayong buwan ang Hayden Fragrances, na pag-aari ng kontrobersiyal na celebrity doctor na si Hayden Kho Jr. Abala ngayon si Hayden sa pag-aasikaso ng kanyang bagong negosyo at ayon sa nakalap naming impormasyon sa kanyang Facebook account, tila mula pa sa Paris ang mga materyales na ginamit para sa kanyang fragrance line. Hinuhulaan ng ilan na ang target customers ng produkto ay ang mga mayayaman. Wala pang kasiguraduhan kung kailan ang grand launch nito, pero may nakapagsabing ang website nito ay matatagpuan sa http://www.haydenfragrances.com.

Iza Calzado at Katrina Halili, magbabanggaan!

Balik-primetime ang dalawa sa pinakamagandang artista ng Kapuso network na sina Iza Calzado at Katrina Halili sa The Beauty Queen. Istorya ito ng isang babaeng anak ng isang dating beauty queen na nasira ang buhay. Mangangarap ito na balang araw ay magiging isa rin siyang ganap na reyna ng pagandahan, ngunit hindi ito magiging madali. Matagal ding ‘di napanood bilang bida at kontrabida sina Iza at Katrina sa primetime slot ng GMA-7. Inaasahang sa teleseryeng ito muling babangon ang kanilang mga karera.

Geoff Eigenmann, nanliligaw pa rin kay Carla Abellana!

Kahit pa kay Glaiza de Castro na ipinapares ngayon si Geoff Eigenmann sa Grazilda, tila hindi ito naging handlang para ipagpatuloy ang panliligaw sa dating ka-loveteam na si Carla Abellana. Kamakailan lang ay dumalaw ito sa taping ng dalaga para sa isang pelikula. Hindi naman ikinaila ni Carla na totohanan na nga ang panliligaw ng dating Fernando Jose sa Pinay Rosalinda. Dati pa namang naiispatan sa iba’t ibang events na magkasama ang dalawa kahit hindi naman talaga sila required na um-attend na magkasama. Sa nakikita namin ngayon, mukhang sa matamis na ‘oo’ mauuwi ang lahat. Go, Geoff!

Isabel Oli, bagong babae ni Papi?

Usap-usapan ngayon na lilipat na sa Kapatid network ang Kapuso discovery na si Isabel Oli. Kontrobersiyal ngayon ang aktres dahil pilit itong inili-link kay James Yap, pero agad naman niyang kinontra ang isyu dahil meron itong non-showbiz boyfriend. Ngayon naman ay may tsikang isa si Isabel Oli sa tatlong babaeng magiging co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie. Hindi na kataka-taka kung sakali mang totoo ang balitang ito dahil matagal nang nakatengga sa GMA-7 ang aktres. May ibubuga naman kaya siya sa hosting? ‘Yan ang dapat nating abangan!

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Hayden Kho, magbebenta na ng pabango!

Leave a Reply

Your email address will not be published.