Hayden Kho, kasamang nagbakasyon sa Bohol si Vicki Belo?! – Ronnie Carrasco

GUSTO NA LANG maniwala ng isang fellow Tweetbiz paparazzo (singular for paparazzi) na nagbibiro si Marian Rivera nang tanungin kung ano ang balak niyang iregalo kay Rhian Ramos. Hindi raw kasi ikinagusto ng aktres ang tanong.

Malayung-malayo naman ito sa stance ni Marian sa pa-Christmas treat sa kapwa niya alaga ni Popoy Caritativo, si Dennis Trillo, sa press that same afternoon. Magiliw si Marian sa kasasagot ng tungkol kay Rhian despite insinuations na banta ito sa relasyon nila ni Dingdong Dantes.

So, as far as Marian is concerned, walang dahilan para magselos siya kay Rhian. Iba pa rin ang kanyang spark and sparkle na senyales ng pagiging emotionally secure with Dingdong.

Pero paano kaya maipaliliwanag ‘yung nahuling eksena ng Tweetbiz (sayang at ‘di nakunan ng camera) habang umeere sa Showbiz Central ang feature story nila on Dingdong and Marian alongside Rhian who was quietly watching the VTR backstage? Teary-eyed daw si Rhian.

Bakit kaya?

QTV’S TWEETBIZ IS hell-bent on making a dent on Philippine TV. Kahapon, thanks to one of its hosts Tim Yap, pinaunlakan ni Hayden Kho ang paanyaya sa kanya. Mula Bohol ay dumiretso si Hayden sa studio ng naturang programa bilang panauhin sa segment nitong Powerchat.

Bago rito, Dra. Vicki Belo threw a Christmas treat for the press at the Music 21 Plaza, pero wala roon ang pamosong cosmetic surgeon. Could she and Hayden have been in Bohol nu’ng mga oras pang ‘yon before they arrived in the evening? On-camera kasi ay ayaw sabihin ni Hayden if he travelled with Vicki, mga kaibigan daw niya ang kanyang kasamang bumiyahe.

First of many things, Hayden categorically denied having hurt himself. Hindi raw siya ‘yung natagpuan sa pinyahan. At lalong imposibleng tangkain niyang wakasan ang kanyang buhay. Hindi rin daw love-related ang kanyang anim na araw na pagkakaospital.

It came to a point daw na naguguluhan na siya, citing the events that welcomed his 2009 partikular na ang balitang nagtangka siyang mag-suicide. At ngayong matatapos na raw ang taon, another news about his alleged suicide try broke out.

Pero nakatulong din daw ang panandalian niyang confinement, kung saan he had imposed a news blackout on himself para na rin magmuni-muni. Thus, balak ni Hayden na sa pagpasok ng 2010 ay total hibernation ang kanyang gagawin, sa halip ay pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang negosyo (meron siyang sariling line of scent).

And as he looks forward to 2010 with so much optimism, anumang dalahin daw sa kanyang dibdib ay ililigwak na niya. That includes even the smallest of heartaches brought about by the crime against chastity he admittedly committed.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Hayden Kho, kasamang nagbakasyon sa Bohol si Vicki Belo?! – Ronnie Carrasco

  1. Maybe Rhian ‘teary eyed’ issue is part of her tricks to gain attention para pag-usapan. Of course she can do that but do not try to exploit Marian Rivera’s name. Your auntie in the network can propagate stories but please stop using Marian Rivera name! For God’s Sake – , as a fan I am the 1st affected. It is not a matter of palengkera action but it is a matter of respect. Marian Rivera is silent and never involved any one to lift her own chair she does it with effort, love and dedication to the craft entrusted to her – that is why she is BLESSED in many ways.

Leave a Reply

Your email address will not be published.