Hayden Kho, gustong masarili ulit si Katrina Halili

NA-DISMISS NGA ANG kaso ni Katrina Halili kay Hayden Kho, parang hindi naman nakumbinsi ang taumbayan sa pagkapanalo niya sa kaso.

Mas lalong dumami nga ang naawa ngayon kay Katrina at nakisimpatiya sa kanya.

Kaya lang kawawa talaga siya, dahil nabastos na siya’t lahat, kumalat na ang sex video, hindi pa ito nabigyan ng hustisya sa korte. Pero palaban pa rin ang aktres at ilang beses niyang sinasabing ipagpapatuloy pa rin niya ang laban at iaapela raw nila ito.

Alam kong ginagawan ito ng paraan ng abogado niyang si Atty. Raymund Palad, pero hindi pa natin alam kung ang susunod nilang hakbang.

Tahimik lang muna sa ngayon si Katrina at ayaw na muna niyang magsalita sa ngayon.

Kapag magsimula na kasing magsalita iyan, tiyak na iiyak lang iyan, kaya mas pinili na lang nitong manahimik.

Pero sa totoo lang, matagal ko nang nariri-nig na matatapos na ang kasong iyan bago mag-Pasko at tama nga ang narinig kong kuwento. Kaya nakakaduda tuloy, ‘di ba? Hay, naku! Ayoko na lang magsalita pa.

Isa sa sumusuporta sa labang ito ni Katrina ay si Sen. Bong Revilla siyempre.

“Nalulungkot ako sa naging desisyon ng korte.” Sabi ni Sen. Bong. Pero ‘di pa raw tapos ang laban ni Katrina. Sinabi niyang natatakot siya ng baka marami ang gumaya kay Hayden.

“Sinabi ko na lang kay Katrina na lakasan na lang niya ang loob niya at magpakatatag,” pahayag pa ni Sen. Bong.

SI HAYDEN AY nakiusap sa interview kay Katrina at humingi ito ng paumanhin sa lahat ng ginawa niya.

Sana raw magkaroon sila ng panahong mag-usap na silang dalawa lang para personal daw siyang makahingi ng paumanhin sa aktres. Pero ewan ko lang kung tatanggapin pa ito ni Katrina pagkatapos ng mga nangyari.

Sa ngayon, gusto na lang daw ni Hayden na mag-concentrate sa kanyang negosyo at sana raw maayos na ang pagbabalik ng lisensya niya sa pagkadoktor dahil matagal din naman daw niyang pinaghirapan bago niya nakuha ang titulong ‘yun.

Pero, Diyos ko naman! Wala naman sa pinag-aralan niya sa pagkadoktor ang pagkuha ng sex video, ‘di ba?

Kaya kung maibabalik pa ang lisensiya ni Hayden, bongga na talaga siya. Ang lakas-lakas na niya at wala na akong masasabi sa mga suporta sa kanya ni Dra. Vicki Belo.

Na-interview ng Startalk si Hayden at ang abogado nitong si Atty. Lorna Kapunan, at diretsong sinabi ni Hayden na hindi na raw talaga niya babalikan ang showbiz.

Maaring sa mga guesting na lang daw siya, pero ang pag-aartista ay wala na raw sa plano niya, dahil mas mabuting tahimik na lang daw at hindi na pasukin ang magulong mundo ng showbiz.

Balak daw niyang mag-aral ng Business sa UP. Sino pa ba kaya ang magbabayad ng tuition niya, du’n?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.