Hayden Kho: “Buwang at Manyak”

SA UMAAPAW NA kababuyan at kawalan ng respeto ng pa-machong si Dr. Hayden Kho sa mga kababaihan, gusto siyang itali sa puno ngayon ng mga bading bilang parusa sa kanyang kahayupan.

Pero hindi lang ganu’n kasimple ‘yun, ibang klase ang gustong maganap ng tropa ng mga bading, ang pagtatalian daw nila sa doktor ay isang malaking puno na punumpuno ng mababangis na hantik (malalaking langgam).

Habang nakatali sa puno ang bastos na doktor, papahiran nila ang katawan ni Dr. Hayden Kho ng pulot na may malaking imbitasyon sa mga langgam para pagpistahan.

Sabi pa ng isang nakausap naming bading, “Dahil sa sobrang kawalan niya ng respeto sa mga babae, titiyakin namin na kinakagat-kagat siya ng mga hantik sa pagkakatali niya.

“Kapag magang-maga na ang buong katawan niya dahil sa kagat ng mga hantik, maghahalinhinan naman kaming lahat sa pagpitik sa nota niya. Kailangang maramdaman niya ang sakit, para naman ma-feel din niya kung gaano katindi ang kahihiyang inabot nu’ng mga babaeng nakasama niya sa kama na pinagpipistahan na ng buong bayan ngayon.

“At kapag tapos na kaming pitikin ang nota niya, may huling proseso pa siyang kailangang pagdaanan. Kapag punumpuno na ng pantal ang buong katawan niya dahil sa kagat ng hantik, kailangan niyang mag-swimming.

“Pero ang tubig sa swimming pool, e, bubuhusan namin ng drum-drum na merthiolate, ‘yung gamot na pula na gamot sa mga sugat. Kailangan niyang mas maramdaman ang hapdi, ganu’n ang nararapat mapagdaaanan ng isang lalaking buwang at manyak!” kuwento pa ng bading na matindi ang galit kay Dr. Hayden Kho.

Kung nakamamatay lang ang pagmumura, siguro’y isang malamig na bangkay na ngayon ang doktor na ito dahil sa sobrang galit sa kanya ng buong bayan.

Para siyang burak sa maruming pusali na pinandidirihan ngayon ng ating mga kababayan, basta ang sex video na nila ng tatlong iba’t ibang babaeng ini-record niya ang paksa sa mga umpukan, puro malulutong na pagmumura ang inaabot ng pa-machong doktor na ito.

Nawalan ng saysay ang ipinagmamalaki niyang kaguwapuhan, gusto siyang lagyan ng sungay ngayon ng ating mga kababayan sa magkabilang sentido, dahil ang pagkuha ng video nang patago sa isang babae ay gawain lang ng demonyo.

SA MGA REKLAMONG ipinupukol ngayon laban kay Dr. Hayden Kho, matigas na lang talaga ang mukha ni Dra. Vicki Belo kapag ipinagpatuloy pa rin niya ang pakikipagrelasyon sa doktor.

Naiipit ngayon si Dra. Belo sa sitwasyon. Lagi niyang sinasabi na si Dr. Hayden Kho ang dahilan ng kanyang kaligayahan. Mahal na mahal daw niya ang doktor, kumpleto na raw uli ang kanyang buhay mula nang magkabalikan sila.

Pero matindi na ang nga magaganap ngayon. Personal nang nagsadya sa NBI si Katrina Halili kasama si Senador Bong Revilla para maghain ng reklamo laban kay Dr. Hayden Kho.

Nagsampa na rin ng reklamo si Katrina sa DOJ. Hindi basta mauupo lang sa isang sulok ang dalaga para deadmahin ang mga kababuyang ginawa sa kanya ng doktor. Ipaglalaban ng sexy star ang kanyang karapatan at imahe bilang babae na sinala-ula ni Dr. Hayden Kho.

Sa lahat ng mga pangyayaring ito, ano kaya ang naiisip ngayon ni Dra. Vicki? Hindi man lang kaya inaalihan ng takot ang kanyang dibdib na baka ang ginawa ni Dr. Hayden Kho sa mga babaeng nakaulayaw nito sa kama ay gawin din sa kanya nito?

Kung nakayang gawin ‘yun ng doktor sa mga nakaraang babae sa kanyang buhay, ano ang agimat na meron si Dra. Vicki Belo para hindi rin gawin ‘yun sa kanya ng bastos na doktor?

Ang tanging kasalanan lang ni Dra. Vicki Belo sa kaganapang ito, ang maging bulag at bingi sa mga akusasyong ibinabato sa kanyang boyfriend.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

4 thoughts on “Hayden Kho: “Buwang at Manyak”

  1. kung may concern tlg sa ngyri dpat nuon pa sn nagpasa ng batas tungkol sa ganyan issue hinde ngaun talak ng talak na akala mo kung sinong malinis na santo ang pambabae o pakipag relasyon sa ibang babae ng isang may asawa ng lalake ay hinde ba pambababoy sa isang babae gagamitin pagkkatpos iiwan din mag isip isip bago magsalita at bgo magbitiw ng mga salita na di dapat naririnig lalo na sa isang may katungkulan sa gobyerno kung gusto respetuhin at igalang dpat sn ang lumalabas na salita ay kagalang galang din.

  2. Baket si hayden lang ang tinawag mong buwang. Buwang lahat ng mga babae dun dahil alam nilang may gf pinatulan pa. One-sided ka talaga parati gurang.

    • yung si maricar di pa naman sila magdyowa ni vicki kasi sa med school pa daw yun. Ang isyu dito eh baket nag vivideo! di mo dapat kinukunan ng video ung sex lalo na walang permission. Kasi babae palaging kawawa sa mga sex videos eh… So may sira tlga sa ulo yang si hayden.

  3. kelan naman mapapanood ang video nila ni Vicki Belo. ?marketing director pala si Hayden ng Belo, ayan ang isa sa marketing strategy nya to promote it… isipin mo worldwide talaga ang exposure and multi media pa. good job Hayden. 40 videos daw ang collection nya, diba patunay na he is sick in the head!

Leave a Reply

Your email address will not be published.