Hayden Kho, binastos sa medical mission? – Ronnie Carrasco

DR.HAYDEN KHO, binastos nga ba sa Marikina City at a recent medical mission?

Kuwento ito mismo ng staff ng Belo Medical Group na sumama sa isang lugar sa naturang lungsod upang magsagawa ng panggagamot sa mga biktima ng Ondoy.

It was a two-day affair, kung saan nagsanib pa ng puwersa si Hayden at ang anak ni Dra. Vicki Belo na si Crystalle Henares. If I may sidetrack a bit, yup, nagkaayos na ang kasintahan at ang anak common in Vicki’s life, thanks to a psychologist who interceded.

Anyway, hindi na kasama ni Hayden si Crystalle sa ikalawang araw, tanging ang suspendidong doktor na lang ang sumuong sa baha sa lugar na malapit sa Tumana River, but conducted the mission on higher grounds.

Ang nakaaaliw, ‘yung mga bata raw na nakalubog sa tubig-baha na agad namukhaan ang doktor ay mala-chorale na kumakanta ng: “Careless whisper…” Hindi pa nakuntento, gumiling-giling pa raw ang mga paslit sa saliw ng awiting ‘yon.

Wala raw nagawa si Hayden kundi ang ngumiti at kumaway nang bahagya sa kanyang mga hecklers.

[ad#post-ad-box]

SA KABILA NG network efforts na mangalap ng mga donasyon para sa nagdaang bagyong Ondoy, maliwanag na hanggang sa kani-kanilang pagtulong ay nangingibabaw pa rin ang kumpetisyon.

Hindi itinago ng isang beteranong TV host ang pagkadismaya, na kahit ang kanyang kinaaanibang istasyon ay nahulog na rin sa bitag ng matinding pagpapasiklaban sa pagitan ng ABS-CBN at GMA.

Surely, this is a collective sentiment: habang iinaanunsiyo nga naman ang milyun-milyong halaga ng nakalap na donasyon–in cash, in kind and in pledges– kailangan pa bang ipagmakaingay ng mga donors ang kanilang naiambag?

Willie Revillame at Joey de Leon, nagparinigan nanaman

WHICH BRINGS ME du’n sa panawagan ni Joey de Leon in a news program on GMA nu’ng mismong araw na naminsala ang Ondoy partikular na sa mga kasama sa hanapbuhay.

Aniya, kung magbibigay ng donasyon ang mga artista, mangyaring mag-abot na lang without having to announce it to all and sundry, pati ang halaga ng donasyon!

Tinanong ko mismo si Tito Joey kung meron siyang artistang partikular na pinatatamaan. Wala raw.   Kaya laking gulat ng inyong lingkod when out of the blue, sa kanyang programang Wowowee ay nagsalita on-air si Willie Revillame ng mga ganitong kataga humigit-kumulang. “O, may nag-comment daw diyan na ako raw, eh, nag-donate ng one million (pesos). Bakit hindi rin sila magbigay? Eh, comment pa sila nang comment!”

Walang direktang pinahagingan si Willie, but it would simply take common sense para maisip ng publiko na ang pasaring na ‘yon ay kontra-bala kay Tito Joey, who earlier intimated to me na nga that it was a general statement.

Kagyat  kong kinuha ang reaksiyon ni Tito Joey. Pasintabi muna ako, I am exercising editorial prudence in editing out certain “unprintables.”

Sey niya: “Eh, ‘yun din naman ang sinabi ko five days ago pa, na kung magdo-donate ang ibang mga artista, magbigay na lang sila, huwag na nilang i-announce pa. Eh, ‘di inulit lang niya ‘yung sinabi ko.”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

15 thoughts on “Hayden Kho, binastos sa medical mission? – Ronnie Carrasco

  1. kabastus-bastos naman talaga tong hayop na hayden na to. dapat dito natamaan ng leptospirosis o kaya naanod na ng baha. hayup sya talaga!

  2. sa startalk lang naman nagtratrabaho itong ronnie na to! pero malapit siya sa mga taga ABS lalo na si Boy Abunda!

    at FYI, mas pabor nga siya sa ABS kesa sa GMA! palagi nga niyna hinuhusgahan ang mga tga GMA no!

  3. epal tlgah n joey
    ngawa xa ng ngawa
    ala nmn xang naitutulong
    at least nga ung iba jan na bigay ng bigay
    khit n ipagsigawan nla ala kang pakialam
    kc cla nakakatulong cla
    ikaw ang isa sah dahilan ng p[aghihirap ng pilipinas
    joey
    ung mga taong katulad m n wala n ngang ngagawang tulong
    ngawa pah ng ngwa
    isa kang anay n sumisira sah mga taong nkakatulong sah pagun;lad ng bansa
    kaw bah n piso may idinonate kah????????!!!!!!!!!!!!!

    • blue…hinay2 klng….
      in fairness nmn kay joey…cnabi nya yon…b4 pa magbigay
      c willie ng donation nya kya kung iintindihin mong mabuti…o kung d mo man napanood o nbasa un…research ka muna
      guilty lng c willie dhl sa to2o lng nmn dapat nmn tlgang hndi na ipangalandkan ang itu2long dba?

  4. ung mga bobo, tanga at kulang sa research, matgal na ng gawain ni joey ang ganyang style..may konting pasundot at pag tinamaan ka bahala ka.. kya lang mraming sumasalo sa mga bira nya agad c willie ang tinatamaan daw..panahon pa ng sanglinggopanosila at MTB.. style na ni joey yun..naiisip na lang nilang lagi nlang nya binabatan c willy dahil talo na DAW sa ratings ang EB..

  5. Itong writer na ito sinulat din nya ito sa PSN yesterday pero dami din nag react sa kanya.

    So Ronnie Carrasco ay writer ng GMA-7. So expect mo na ung write-ups nya laging pabor sa GMA-7. Parte ng tabaho nya yun at sana maintindihan natin. Sa mundong ito indi na kailangan ng prinsipyo kunid datung.

    Eversince na maging No.1 ang Wowowee last 2006 ay naging ganyan si Joey DeLeon. Dati naman hindi sa ganyan nung umaangat pa ang EB nun. Kung ako sa kanya magsumikap sya at para matamo nya ang tagumpay ni Willie. Pero I think mahirap maabot yun.

    To JDL: mas magandang magtagumpay kung wala kang sinisiraan tao. Si Willie bastos pero matulungin sa kapwa at hindi sya tumitira ng tao kung hindi sya tinitira kaya hanggang ngayon nasa tugatog pa din sya ng tagumpay.

    Si Joey din ang nasa likod ng mga video sa YouTube against Willie yung si evendemata.

    At sa naniniwala kay Joey shame on you.

  6. Pati sa mga bata, ang sama ng impluwensiya na dulot at pinakita ni HAYDEN KHO! Dapat hindi na siya nagpapakita sa madla. masama siyang impluwensiya.Itago na lang niya ang kanyang mukha sa palda ni Vicky Belo.

    Huwag na kasing nagpapakita kasi naaalala ng mga bata ang kabastusan ng taong iyan.

    • give him a chance
      kung c lord nag bi2gay stin ng chance kpag nkagawa tau ng ksalanan bkit tau dntin pweden gwin dba?

  7. eh si joey de leon naman kasi pinoprovoke parati si willie tapos mag deny deny sya na wala syang pinaparinggan..helo joey we know better than that..may mga utak kami..si willie tahimik lng yan hindi sya nagpaparing kahit ano sa mga host ng eat bulaga..gumaganti lang sya kung pinaparinggan alangan namang para lang siyang tuod na hindi mag re react ano..hindi naman sya santo..kung meron mang may kasalanan si joey de leon yun…naku sana naman si joey magbago na kasi naman halatang insecure sya at lalong nagiging halata na wala syang millions of pesos..okay lang sana ang walang milion of pesos basta tumahimik nalang pra di na mbatikos..hay naku…

    • Naunsiyami ang pangarap ni Joey na matanggal si Willie sa Wowowee. Let’s face it, Willie is Wowowee. Better luck next time na lang Joey.

  8. pansin ko din,inggit nga si joey.simula nang umasens0 si willie r. hindi nya na tinigilan ng parinig.i mean oo bastos si willie at kung ano ano pa.ang sakin lang wag na sanang magsiraan bagkus isipin nalang nilang dalawa kung paano mas makakatulong sa taong bayan.bilib ako kay bossing vic,alam ko inis din yan kay willie pero disenteng tao hindi nakikipagway sa tv.

  9. hay naku, ang mga tao nga naman magbigay ka at hindi ay may nasasabi. Magbigay ka ng $1M salamat, kung 5 piso lang, salamat din. Ang mahalaga ay nakapagbigay at nakatulong ka. Any amount adds up! Yun naman walang ibinibigay, wag na lang manghusga, ok?

Leave a Reply

Your email address will not be published.