Hayden Kho at Dr. Manny Calayan, nagpapatutsadahan sa Twitter!

HINDI NA KAMI masa-shock kung dumating ang araw na magsagutan na lang sa ere sina Dr. Manny Calayan at Hayden Kho.

Nagsimula ito sa tweet ng isang follower ni @calayanMD na ni-revoke na raw ng PRC ang license ni Doc Hayden, na sinagot naman ni Doc Manny ng, “Uh, oh! Tsk-tsk!”

Kaya sinagot ito ni Doc Hayden ng, “Balitang-balita kayo dito sa LA, Bro, ah?” na ang tinutukoy naman nito’y ang pagpapasara diumano ng Calayan USA, dahil sa di-pagsunod sa ilang alituntunin sa batas ng Amerika.

Hanggang kelan kaya ito?

 

NAKAPAG-SHOOT NA NG Star Cinema movie si Cristine Reyes pagkatapos ng almost 3 weeks na “paninirahan” sa ospital. Ni-rule out na ng doctor ang “meningitis” na siyang cause ng pagkaka-confine ni Cristine.

Sa mga tweets ni Cristine, obvious na gustung-gusto na niyang gumaling o ‘di kaya ay tumakas sa ospital, dahil gustung-gusto na niyang mag-work.

Kaso nga lang, hindi siya pinapayagan ng mga doctors for further observation. Kaya ngayon, tuloy na ang shooting nila ni Derek Ramsay at ni Anne Curtis.

At ang “Reputasyon,” finally, makakapag-taping na siya.

Hay, naku… ‘pag dinapuan ka nga naman ng sakit, walang pinipiling estado ng buhay. Pero kung me disiplina, pag-iingat, p’wedeng panangga na ‘yon sa dadapong sakit.

 

SINUSULAT NAMIN ITO ay nasa Malaysia si Piolo Pascual at merong concert doon. At mananatili doon ng anim na araw.  Kaya ilang araw din naming hindi makakalaro sa Badminton si Papapi.

Kinorner namin si Papapi nang maka-rest siya mula sa paglalaro, “Papapi, kayo pa ba ni KC Concepcion?”

“Oo naman!”

Eh, bakit me mga tsismis na wala na kayo?

“Ewan ko sa kanila. Hindi ko na iniintindi ‘yon.”

‘Yun lang ang gusto na-ming marinig. Ang hindi na lang namin naitanong ay kung nagkakaproblema ba sila o puwedeng sila pa rin, kaso, cool-off lang sila?”

Kunsabagay, ‘pag mga sikat talaga, konting kibot, konting utot, isyu na ‘yan, eh. Pero si Papapi, ayaw nang i-dignify ang mga isyung naglalabasan.

Basta siya, adik lang sa Badminton.

Oo nga, hindi namin naitanong kung naglalaro rin ba si KC ng Badminton. Baka rin hindi, dahil kung naglalaro si KC, eh ‘di isa ring adik ‘yan, ‘di ba?

 

NAKAKALOKAH RIN ‘YUNG ibang Kimeralds. Sobrang sakit na sakit na ang kanilang kalooban, dahil pinaghihiwalay raw ng ABS-CBN ang kanilang iniidolong sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

We can’t blame them. Sinubuan sila, nagustuhan nila. Ngayon, hindi na ipinapakain sa kanila. Ibang putahe o pagkain na ang inihahain sa kanila.

Well, siguro nga, tanggapin na lang natin ang katotohanang walang permanente sa mundo. ‘Yung iba nga, mag-asawa na, pero naghihiwalay pa rin, eh.

Let’s just be open to changes, ‘ika nga.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

7 thoughts on “Hayden Kho at Dr. Manny Calayan, nagpapatutsadahan sa Twitter!

  1. Calayan Clnic in LA is not closed,me and my friends just wen there last saturday and theyre doing just skincare and no surgeries at all.I think the picture in LA Times is in the Philippine setting and that an irresponisble journalism,the Calayans shld sue them! I think some camps are tying to defame the Calayans! This is hoax news!

  2. Dr. Calayan and staffs are doing cosmetic surgeries in LA, They are not licensed in America, so the clinic was closed and were sued for practicing without license. Laking problema ni Calayan. Iba sa US kapag may caso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.