Hayden Kho, alalay na lang ni Vicki Belo?!

SPOTTED DAW si-na Dr. Vicki Belo at Hayden Kho while inside a plane recently.

May naka-sight na magkasama sila sa iisang eroplano nong August 12.

This prompted an informant to ask kung nagkabalikan na ba ang dalawa. Hindi ba’t ang press release nila ay wala na sila and it was for good.

But the informant related na hindi na sweet na sweet ang dalawa. Actually, parang ginawa ngang kargador ni Dr. Belo si Hayden. Siya kasi ang pinagbuhat niya ng kanyang mga luggage.

Baka naman drama nila ito para ipakitang bait-baitan na si Hayden uli. Or it could be that Hayden did it para nga naman magmukha siyang underdog.

O baka rin naman para ipakitang wala na talaga silang relasyon at parang alalay na lang ni Vicki si Hayden.

True ba na nagkabalikan ang dalawang ito?

Ma at pa. wala akong panahon sa mga taong mahilig sa gimik!

BALIK-TAMBALAN SINA Regine Velasquez at Aga Muhlach sa Of All The Things. As usual, it’s a romance comedy na forte naman talaga ng dalawa.

Sa interview ay sinabi ni Regine na at home na at home siya sa rom-com department. She feels that she can’t do straight drama.

“Hindi ko kaya ‘yung drama. Madali akong umiyak, walang problema ‘yung pag-iyak but I don’t like ‘yung working atmos- phere na nakaganoon ka lagi, ‘yung hindi ka bumabalik sa masaya. ‘Yung mga ginagawa ko kahit romantic comedy ay binibigyan pa rin ako ng konting drama, eh. Okay na ako sa ganoon kasi ito naman ‘yung forte ko,” esplika ni Regine.

The most dramatic movie daw that she did was a movie with Piolo Pascual.

“‘Yun ‘yung pinakadrama. Hindi ko kaya ang drama, ‘yung sasampal-sampalin ako tapos duguan ako. Kakanta na lang ako.”

Payag ba siyang maging comic contravida for a change?

‘Yun pa siguro puwede pero ‘yung iiyak ako nang buong araw… I mean kaya ko, magagawa ko naman, maarte naman ako, eh.”

Natanong rin si Regine sa kanyang experiences about acting, kung naranasan na niyang manampal.

“Nakasampal na ako. Bumabakat pa nga ‘yung kamay ko, eh. Ang dami ko nang nasampal. Eh, mabigat pa naman ‘yung kamay ko so ayoko talaga. ‘Pag sa pelikula ayaw nila ng daya, eh. Meron pa ngang director ang sasabihin ibuka mo ‘yung kamay mo. Usually napapa-practice ko ‘yun pero ‘pag sa movie wala ka talagang choice dahil kailangan mong sampalin.”

When asked kung sino ang mga nasampal na niya sa movie, the Songbird said, “Hindi ko na matandaan kasi hiyang-hiya na ako na kung sinu-sino na ‘yung sinampal ko.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Hayden Kho, alalay na lang ni Vicki Belo?!

  1. bakit ba kasi kailangan pang maisulat ang isang amoy lupang vicky belo at manyak na dyutaytay na hayden kho? nagpapapansin lang ang mga yan, nagpapakontrobersyal.

    .

    100% sure ako na flop ang ipapalabas na pelikula nina aga at regine. pwede ba! matatanda na yang mga yan! mga guramis na! nagpapakatweetums pa? for sure, awkward ang feeling ng mga manonood ng pelikulang yan dahil sa pilit na pagpapateenager ng dalawang uhuging matanda na yan noh! at pwede ba kay aga, wag ka masyadong feelingero na mananalo ka na sa pagka kongresista! ang lakas ng apog mong magsabi na may mas alam ka pa sa ibang mga kongresista sa pulitika, oo at mga kurakot ang majority ng mga pulitika pero may utak naman sila! hindi kailangan ng mga “kababayan” mo ang isang katulad mong nagmamayabang at feeling matalino sa liga nila! pagpapacute lang naman ang gagawin mo eh! halatang walang laman ang kokote mo! AT ikaw naman regine, wag ka ngang palaka na mag iingles tapos pag hindi na alam ang susunod na sasabihin eh itatagalog na, napaghahalatang social climber kang retokada queen ka, kung ako sayo, magpa-lipo ka na dahil ang ginawa sayong tummy tuck ni vicky, parang wala lang. naibunyag ni vicky belo sa programa ng kapamilya na salamat po doc na si regine nagpabawas ng bilbil? eh parang walang nangyari, isa pa rin syang oink oink oink! HAHAHAHAHA

    • tama mga gurang na yang aga at regine feeling bata bataan pa rin,,,, tantanan nyo nga ako siguradong floptisna yan at may drama pa ang aga yabang na yan na niligawan at iniyakan nya sa isip si regine ugok,,, publicity press release mo kasing laos mo

  2. Hayden gagawin ka raw Ninong ng anak ni Katrina Halili. Vicky Belo naman eh Ninanag. Anong say nyong dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.