Hayaan na lang daw sa kanyang trip
Arnel Pineda, ipinagtanggol si Charice laban sa bashers

BLIND ITEM: A non-showbiz mom resents the fact na sa tuwing makikita ng ibang tao ang mga anak ng kanyang asawang aktor from his previous marriage ay walang bukambibig ang mga ito kundi, “Uy, ang guguwapo naman ng mga batang ito!”

Silently, naghihimagsik ang kalooban ng naturang ina. Comparatively, naa-upstage kasi ang kanyang mga anak in terms of looks gayong maganda rin naman siya. At mas edukada pa.

Pero kung itsura’t itsura rin lang ang pagbabatayan, the actor’s ex-wife is far more beautiful. ‘Yun nga lang, panlabas na anyo lang ang kagandahan ng kanyang dating karelasyon who never made it as one of the Regal Babies of yore.

 

GUSTO NAMING isipin that an effective political candidate must also be a discerning campaign strategist.

Hindi na bagito sa larangan ng pulitika ang ex-presidential son at senatoriable Jun Magsaysay, himself the resonator of his father’s ideals for the country. Sa kanyang amang si Ramon Magsaysay natin narinig ang klasikong linyang, “Those who have less in life should have more in law.” Sa madaling salita, social justice ang battlecry ni Jun, pagpapatuloy lang ng legacy na iniwan ng kanyang ama.

Despite a candidacy marred by another Magsaysay in the senatorial race, hindi natitinag si Jun sa kanyang puwesto, most specially when it comes to his showbiz endorsers who are not only popular celebrities but also credible ones tulad nina Dingdong Dantes at Richard Yap.

Like the two actors, Jun has established a name that his lineage can truly be proud of. Dahil ilang tulog na lang ay iguguhit na naman natin ang kasaysayan ng bansa, a good voter is one who believes in good governance.

 

IPINAGTANGGOL NI Arnel Pineda ang kanyang kapwa singing sensation na si Charice Pempengco against talks about her sexuality. Of late kasi, Charice has graced social media with the netizens feasting on her latest hairstyle, and yes, her photo taken with a girl believed to be her fiancée.

Ani Arnel, sila raw mga artist express their feelings in a lot of ways. Kung ‘yun daw ang paraan ni Charice as her self-expression, let her be. Ang importante naman daw ay ang talent ng sinumang singer.

Indirectly, Arnel relates his past wayward life before he met the woman he married. Aniya, nagkaroon lang daw ng direksiyon ang kanyang buhay nang makatuwang niya ang kanyang misis sa pagtitinda in between his Rock Hard Café gigs.

And speaking of pagtitinda, pangarap pa rin ni Arnel na i-enhance ang kanyang entrepreneurial skills. Ito ang dahilan kung bakit without any second thoughts ay sinunggaban niya agad ang offer ng Puregold (already with 188 branches nationwide) ang offer to sing its jingle for its first ever TV commercial (that started airing last Saturday, May 4) marking its 10th year.

Arnel is the voice behind the jingle titled Thank You Po, this he dedicates—next to God—to his wife without whom, he would not have become a successful vocalist of The Journey.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Hayaan na lang daw sa kanyang trip
Arnel Pineda, ipinagtanggol si Charice laban sa bashers

  1. Pingback: click through the next internet site

Leave a Reply

Your email address will not be published.