Hatol ng NBI Probe Team, Tatanggapin ng PCG

NANINDIGAN ANG Philippine Coast Guard (PCG) na nakahanda itong tanggapin anuman ang magiging resulta nang isinagawang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng isang mangingisdang Taiwanese sa bahagi ng Balintang Channel.

Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilo, na tiwala silang naging patas ang isinagawang “parallel investigation” ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Taiwanese authorities.

Matatandaan na natapos lamang noong nakaraang linggo ang trabaho ng mga imbestigador kung saan nagtungo pa ng Taipei ang 8-man team ng NBI.

Una na ring tiniyak ni Balilo na mananatili sa kostudiya ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 17 nilang tauhan na sangkot sa May 9 shooting incident.

Samantala, bagama’t pinanghahawakan nila ang testimonya ng mga tauhan na hindi intensyonal ang pagkakapatay sa kapitan ng Taiwanese vessel, handa naman nilang sundin ang itinatadhana ng batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.