Hatol kay Corona, ipinababasura sa SC

NAGHAIN NG urgent motion for oral arguments at issuance of preliminary injuction sa Supreme Court (SC) ang grupo ni Atty. Allan Paguia kaugnay sa nakabinbin nilang petisyon na kumukuwestiyon sa hurisdiksyon ng Senate impeachment court kay dating Chief Justice Renato Corona.

Walang hurisdiksyon ang Senado sa napatalsik na punong mahistrado, giit ni Paguia.

Sinabi rin ng naturang abogado na sa ilalim ng batas ay hindi naging moot o hindi nawalan ng saysay ang nauna nilang mosyon kahit nahatulan na ng guilty ang dating chief justice.

Ayon sa isa pang petitioner na si Atty. Homobono Adaza, walang magiging closure ang kaso ni Corona hangga’t walang desisyon ang Korte Suprema sa nabanggit na usapin.

Naniniwala naman si Justice Secretary Leila de Lima na hindi na papatulan pa ng SC ang mosyon ng grupo nina Paguia.

Una nang nanindigan si Senate President at impeachment presiding officer Juan Ponce Enrile na sila lamang ang may hurisdiksyon sa impeachment case laban sa dating

punong mahistrado. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.