Hatian sa Yaman ng ‘Pinas at Bangsamoro, Pirmado na

NAKUMPLETO NA ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front ang annex sa wealth sharing ng Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) Sabado ng gabi sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Matapos ang anim na araw mula sa orihinal na apat na araw na pulong, matagumpay ang kinalabasan ng negosasyon at naplantsa ng panel ang annex dakong alas-10:30 ng gabi.

Binubuo ang annex ng walong pahinang dokumento na pinirmahan kamakailan.

Magiging mahalagang gabay ng binubuong Bangsamoro Basic Law ang annex partikular sa wealth sharing at revenue generation ng political entity at pamahalaan.

Kapwa trinabaho ng Technical Working Group mula sa parehong panig at isang special team sa power sharing mula noong Agosto ang nasabing annex.

Matapos lagdaan ang Annex on Transitional Arrangements and Modalities noong Enero, dalawang annex na lamang ang aayusin ng peace panel. Ito ang annexes sa power sharing at normalization.

Ayon kay Professor Miriam Coronel-Ferrer, government chief negotiator, iba-iba ang naging arrangement sa ilalim ng nilagdaang annex.

Sa usapin ng malilikom na koleksyon ng national taxes, nagkasundong magiging 75-25 ang hatian, pabor sa Bangsamoro.

75-25 din ang kasunduan sa mga kikitain mula sa natural resources tulad ng metallic minerals.

Habang pantay naman sa revenue mula sa energy resources.

Inihayag naman ni Coronel-Ferrer na inaasahan niyang magiging dibdiban din ang magiging negosasyon sa dalawa pang nalalabing annex.

Samantala, maaari aniya itong umpisahan sa susunod na buwan matapos ang Ramadan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.