HATERS GONNA HATE: Gabbi Garcia, mas pinapaboran nga ba ng Siyete over other Kapuso talents?

Gabbi Garcia

MARAMI ANG NAKAKAPUNA na sunod-sunod ang pag-promote ng Kapuso network at GMA Artist Center kay Gabbi Garcia.

Nagkataon kasi na mabenta ngayon sa glossy magazines ang ganda at kamandag ng morena actress. Natural lang naman siguro kung maging proud ang home network at management team nito, ‘di ba?

Hindi na bago kay Gabbi Garcia ang mga bashers. Marami ang nagsasabi na tila paborito ito ng Siyete dahil kahit bago pa lang siya sa showbiz noon ay binigyan na agad sila ng dating ka-loveteam (at real life boyfriend?) na si Ruru Madrid ng primetime show na feeling ng iba ay na-bypass ang mas magaling na talents ng network.

Naging hati rin ang opinyon ng netizens nang siya ang mapiling Alena sa bagong version ng Encantadia. Kahit na ang GabRu ang unang pinush sa serye, nanaig ang appeal ng fans na si Amihan (Kylie Padilla) ang makatuluyan ni Ybarro/Ybrahim (Ruru Madrid). I’m sure na kung mas pinush ng show ang original storyline, baka mas lumakas ang ‘palakasan’ issue.

A post shared by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on

We think na unfair din naman kay Gabbi ang mga paratang. Among the Encantadia girls, si Sanya Lopez lang ang may regular show ngayon sa afternoon prime entitled “Haplos”. Si Glaiza de Castro naman ay nag-concentrate sa kanyang album na ‘Bagong Simulain’ at nakatakdang lumabas sa Mulawin vs. Ravena as special guest. Si Kylie Padilla naman ay manganganak anytime. 

Si Gabbi Garcia naman ay naging busy for her major endorsement deal at sunod-sunod din ang mga glossy magazine covers nito. Ang latest pa nga ay dadalhin siya sa France for a pictorial! Taray lang!

See, they all have their own thing. Unfair naman for Gabbi kung palagi na lang siyang binabatikos when all she does is just work and pose. Slay lang, beh!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.