Hate na hate ang network war
Vice Ganda, gustong sumama sa Bubble Gang

HATE NA hate pala ni Vice Ganda ang network war at ito ay nabuko sa Twitter niya, kung saan sinabi niya ang bad effect nito.

Aniya: “Sino ba kasi ang nagpauso n’yang Network War?! Such a stupid idea! Puwede namang masaya lang magkakatrabaho lang ang lahat, ‘di ba!”

Patuloy pa ni Vice: “Nakikitang magkakasama ang mga paborito nilang artista, eh, na-lilimitahan dahil sa dibisyon niyang Kapamilya, Kapuso at Kapatid na ‘yan. ‘Di ba puwedeng KAPINOY na lang lahat?”

Nagpahayag pa siya na puwedeng mangyari raw kung walang network wars, “Could you imagine kung gaano kasaya ang ‘Pinas kung minsan mapanoood ninyo sina Piolo (Pascual ) at Anne (Curtis)sa Party Piipinas at sina Dingdong ( Dantes ) at Marian (Rivera) naman sa A.S.A.P.? Ang ganda rin sanang mapanood na magkasama sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo sa TV bukod sa mga concert.”

Pero ang nakakagulat na inihayag ni Vice Ganda sa kanyang Twitter ay gusto niyang mag-guest sa Bubble Gang at type din niyang ma-interview si Joey de Leon sa show niyang Gandang Gabi Vice.

Kaya pala nang mapasyal kami sa 17th anniversary taping ng Bubble Gang sa studio 7 ng GMA, nasabi ng executive producer ng gag show na gusto raw mag-guest sa kanila nina Vice Ganda at iba pang talent ng Dos.

Ang tanong, gumanda rin kaya o mapangiti rin kaya ang mga bossing ng Dos sa kanyang inihayag sa Twitter?

 

ITINANGGI NI Derrick Monasterio na sila na ngayon ni Barbie Forteza. Sabi ni Derrick, magka-loveteam lang sila sa GMA 7 at ‘yun ang kanilang inaalagaan kaya sila laging magkasama sa serye ng Kapuso.

Sa Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa ay sila ni Barbie ang magkatambal. Kasama rin sina Joyce Ching, Agot Isidro, Maritoni Fernandez,Tanya Garcia, Alicia Mayer, ang cute na dalaginding pero dalagang-dalaga na ngayon na si Rita de Guzman atbp.

Natatawa nga si Derrick nang tanungin kung wala ba siyang balak ligawan si Barbie dahil dalagang-dalaga na rin tingnan ang teenstar?

“Barbie and I are friends. Pinangangalagaan namin ang aming loveteam. Saka bata pa si Barbie at ganoon din naman ako. 17 years old pa lang ako at si Barbie ay 14 or 15 years old na ba?

“Marami pa kaming pagdaraanan sa buhay at nakasentro ang attention namin sa aming showbiz career. Kayo talaga. Alam din naman ni Barbie ang katayuan namin sa ngayon. Just pure friendship,” say ni Derrick.

Ask naman sa crush niyang si Sarah Lahbati na ngayon ay girlfriend na ni Richard Gutierez. Sumama ba ang loob niya kay Richard dahil naunahan siya sa babaeng kanyang sinisinta?

“No! Si Kuya Richard na ‘yan. Gusto ko ring masundan ang pinagdaanan niya at maabot ko rin ang tinatamasa niyang tagumpay sa showbiz,” say pa ni Derrick.

Tungkol naman sa isyung kinasasangkutan ngayon ng dati rin niyang crush na si Bea Binene. Nakasuporta ba siya sa teenstar?

“Kaya ni Bea ang pinagdaraanan niya ngayon. Naniniwala ako sa kakayahan niya. Kung kakailanganin naman niya at mga kasama namin sa Tween Hearts ang suporta ay nandito lang kami, pero as I said, kaya ni Bea ‘yan,” pahayag ni Derrick.

 

AYON KAY Dingdong Dantes, sa 6 na araw na pagpapalabas ng Tiktik: The Aswang Chronicle, more than P70 million na ang box office returns nila. Pero hindi pa raw siya sigurado kung kailan nila mababawi ang kanilang P80 million na production cost.

“Pero parang nakabawi na rin kami dahil sa magagandang reviews ng pelikula mula sa mahuhusay na directors at sa mga nakapanood na rin. Gaya ng sinabi namin noon na gusto lang namin ma-prove na puwede naman tayong gumawa ng ganitong klaseng pelikula. Kahit  pa  inabot pa kami ng dalawang taon bago natapos ang full production nito.

May nag-suggest din pala sa kanila na gawing 3D ang movie pero nangangalahati na raw sila noon. At baka raw sa susunod na Metro Manila Film Festival ay isali na nila ang part 2 ng Tiktik.

Kung isinali kasi nila sa MMFFP ito ay siguradong patok na patok, lalo’t GP ang rating na ibinigay sa kanilang movie na idinirek ni Erik Matti.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

19 thoughts on “ Hate na hate ang network war
Vice Ganda, gustong sumama sa Bubble Gang

  1. ABS did not started the network war, it was JOEY DE LEON. ABS management did not renew the contract of Eat Bulaga after it was expired, ABS helped the TAPE management from Channel 5 to let the show on air to their network, ang Tape ang nag handled sa EAT BULAGA. They then decided to transferred the show to GMA, and even showed a video teasered the “5+2=7” of eat bulaga. Joey de leon got a bad blood of ABS, becuz of not renewing the contract, that is the start of network war. GMA pirated the abs artist, if you all remembered Korina Sanchez interviewed Gozon about pirating, because Gozon mentioned it that the other new network pirated their artist. The GMA let the pirated artist of ABS say something bad. They even harassed the ABS artist, Joey started it all again after Toni Gonazaga transfer to Kapamilya, ABS artist even complained, and wanted to fight back to protect their dignity as an artist, but the management sent a letter instead. ABS CBN started branding their network Kapamilya, and after GMA followed, station Id are all started in ABS. I’m not working either of the 3 networks or what, just read and watched the past issues on the internet, watched the video interview either the buzz or starttalk, it is all there. FYI

    • CORRECTION:
      By the 1990s, ABS-CBN wanted to buy the airing rights of Eat Bulaga from TAPE, Inc. However, Tuviera and Malou Choa-Fagar rejected the deal, leading ABS-CBN to remove Eat…Bulaga! and its sister shows Valiente and Okay Ka, Fairy Ko from its roster of shows and to reformat its Sunday show Sa Linggo nAPO Sila into a week-long show, ‘Sang Linggo nAPO Sila.[12]

      Eat…Bulaga! moved to GMA, whose efforts to dethrone the show through Lunch Date and Salo-Salo Together (SST) had failed.[12] The show made its premiere telecast on its new home on January 28, 1995, again at the Araneta Coliseum.[12][16] Prior to this, month-long promotions were made by coming up with the catchy advertisement, “9-2=7” (“nine minus two equals seven”)[citation needed], alluding to the show’s move from Channel 9 (RPN) to Channel 2 (ABS-CBN) to Channel 7 (GMA). It was also a homecoming for TVJ, who hosted Discorama and pinch-hitted for Student Canteen on GMA[8] before leaving the network for Eat…Bulaga!.

  2. KAHIT NOON PA, MAGULANG NA NEGOSYANTE NA YANG MGA LOPESES, KAYA NGA TINUMBA YAN AT WINALIS NI MARCOS NOON, DATI MAY AMOR AKO SA KANILA, DAHIL KAWAWA NAMAN SILA, PERO NG MALAMAN KO TALAGA KUNG ANONG KLASENG MGA NEGOSYANTE YANG MGA LOPESES, NUN KO LANG NATANTO NA MAY KATWIRAN NGA PALA SI MARCOS NA, HAHAHAHA KAYA NGAYONG PUTOL NA IMPLUENSYA NILA,,HA HAHAHAHA TATAWANAN KO LANG SILA,,NAKA KARMA NA SILA    

  3. as far as i know ang abs ang nagpasimula ng network war na yan. dati naman the actors can work in other channels. walang exclusive exclusive dati. then abs started yung pag exclusive ng talents. ang rule pa nga nila, according to their artist, eh once they have two shows na from the network eh automatic na daw exclusive na sila sa abs and they wont be allowed to appear in other networks. sobrang strict nila when it comes to exclusivity. after that gma followed suit. they coined the term kapuso to refer to their exclusive artist as against kapamilya artist. that started the network war.

    • KORECK, SAMANTALANG NOONG KABABALIK LANG NILA SA ERE, AFTER EDSA, SILA ANG UNANG NAKINABANG, LALO NA YUNG MGA ARTISTANG GALING SA THATS ENTERTAINMENT, PINAG KUKUHA NILA,HAHAHAHAHA, YUNG ANG MGA UNANG ARTISTA NILA, ANG GALIIING NG ABS CBN, ANG GALING DIN NILANG MANGOPYA AT MANULOT NG IDEA,

    • HINDI MANGYAYARI YUN, ISA SI VICE ANG HUMAHAKOT NG PERA PARA SA ABS CBN, NAGPAPAKATOTOO LANG NAMAN YUNG BAKLA, ALAM NIYA KASING INSTITUTION NA ANG BUBBLE GUM, NA KAHIT ANONG GAWIN NG ABS CBN AY HINDI NILA MATIBAG, HAHAHAHA SUKO NA DIYAN ANG MGA BAKLANG BRIGHT MIND KUNO NG ABS CBN, TAAS KAMAY NA SILA DIYAN

  4. KALOKOHAN! Ayon sa box office mojo naka 25 million lang TIK TIK in 5 days, tapos after two days naka 70 million agad? 45 million in two days? saka napanuod ko na yung movie di naman kagandahan, oo may effects nga di naman kabongga ng avatar na parang tottoo.

  5. at un televbyuwers kya ang ngcreate ng Network war….bkit dn lng un artista nila ang panoorin wherever ito magperform s abs o gma o tv5 eh hindi gnun…they say something bad s kung ano un ayaw nila like u guys kung anu-anong bad comments nyo buti nga me napapanood p kyong libre…

  6. Korek ka dyan Vice! eh yang kapamilya mo lang naman ang bad eh! business is business lang talaga para sa kanila!!at pera2! hindi sila pantay na pamamahayag! pag gusto nilang personalin at ibagsak gagawin nila ang lahat para masira ito!! ex: Manny Villar, Willie Revillame, Sarah G. Derek, pero kapag talent nila at gusto nila kahit anong baho nila, kayang pagtakpan! Ex. Pnoy, Piolo, John Lloyd, Jodie at super dami pa mga artists at bet nila! naku, nmsyado na kayong obvious ha?! tsk!tsk!tsk!. pera2 lang talaga ang lahat walang tunay na samahan!. Kapamilyucks!.

    • Ateng, ano naman masasabi mo sa panghaharang ng Syete sa mga talents nila na lumabas sa Dos at Singko? Tulad ng pagpapatanggal nila ng footages nina Ogie at Regine sa Icons OPM concert na pinalabas sa Dos? Disappointed sobra yung mag-asawa kasi bihira lang daw mangyari yun. At yung pagbabawal nila kay Regine na mag-promote sa Dos ng Of All The Things movie nila ni Aga. Ayun, luz valdez ang pelikula nila sa takilya.

      • Inumpisahan ng network Mong gahaman syepmre gagawa na ang Iba…ano a kala nila sila Lang ang pwedeng gumawa nun….

      • kpg kulot tlga bobo, ngayon me rason ka hahhaahh! un mga artista din nmn ang me ksalanan s network war eh…they want n maassure n me work cla kya pumirma ng exclusive contract…at alam nyo b kung ano ang EXCLUSIVE CONTRACT? Bka hindi kya gnyan ang mga comments nyo,,,malamang!!!

    • MAY DAMAGE CONTROL CREW SILA, PATI MGA IMAGEMAKER NA GINAGASTUSAN NG MILYONES, YUN ANG WALA SA GMA7, KAYA NAPAG LOLOKO NITO ANG TAONG BAYAN, KALA NATIN MATITINO ANG CLAS DAW ANG MGA TALENTS NILA. PWEEE. SAMANTALANG KUNG HUHUKAYIN MO TALAGA AY MARAMING KANG MAHUHUKAY NA KALANSAY AT KABAHUAN NG NETWORK NA YAN

Leave a Reply

Your email address will not be published.