Hashtag Nikko Natividad, sinigurong wala siyang lalabas na video scandal

LIKE ko ang Hashtag member na si Nikko Seagal Naitividad na talent ng kaibigang Jobert Sucaldito.

Hashtag Nkko Natividad

Straight forward si Nikko kasi, kaya like siyang interbyuhin ng entertainment writers.

Una na, ako as a person, mas hamak na gusto ko naman na ang kausap ko ay diretso at hindi paliguy-ligoy, dahil as a person I’m straight forward sa mga kausap ko. Hindi ako mahilig sa mga sugar-coated words para lang magustuhan mo ako.

Kaya aliw kami kay Nikko na bluntly na inunahan na niya si “Fren” Rommel Placente na wala siyang itinatagong sex video na uso ngayon, at naglalabasan ang mga lihim na dating nagawa ng showbiz personalities natin, na nang sumikat ay isa-isang naglabasan.

“Wala po ako n’yon,” sabi ni Nikko at panigurado niya.

“Bakit ko po naman ipare-record ‘yun, lalo na’t private na ‘yun,” paliwanaag niya.

Si Nikko ay isa sa mga original Hashtag members na happy sa estado niya ngayon sa noontime show na “It’s Showtime”, dahil mas nabibigyan siya ng mgandang break para ipakita ang kanyang hosting talent bukod sa kanyang dancing skills.

Sa noontime show, may bagong pakulo ang palabas kung saan laugh trip ang istilo ng hosting ni Nikko na sa mga nakapanonood, kahit mali-mali ang pag-i-Ingles ay nakake-create ito ng mga nakatutuwang eksena na tuloy nagkakaroon ng trademark ang klase ng pagho-host niya.

“Nag-usap kami ni ‘Nay Jobert na aalagaan ko ‘yong break na ibinigay sa akin ng ‘It’s Showtime’. ‘Yong pagpapa-cute, bigay ko na lang daw sa iba at mag-concentrate ako sa break na ibinigay sa akin,” kuwento niya.

Sa ngayon, pinasok na rin ni Nikko at pag-arte sa pelikula, na kung tama kami ay pinahanap pa siya ni Direk Joel Lamangan for a “gay role”, kung saan partner sila ng kapwa Hashtag member na si Jon Lucas sa pelikula na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.