Has-been sexy star, pinabitbit ni Apl de Ap sa mga bouncer!

NAKU! TOTOO KAYA ang kumakalat na balita na medyo nagkakagulo sa executive department ngayon ng GMA-7? Na nagkakaroon ng pulitika sa mga matataas na tao sa Kapuso station?

Ang pangunahing dahilan daw nito ay ang hindi pag-alagwa sa ratings ng ilan sa mga programa ng Siyete kasama na ang Party Pilipinas at ang drama series ni Claudine Barretto.

Ang sabi, wala na raw power ang isa sa mga veteran female executives ng Channel 7. Ang nagdidikta na raw ngayon sa lahat ay ang baguhang female executive pero palpak naman daw ang mga desisyon.

Mas maraming kaibigan sa naturang network ang veteran female executive at mas gusto siya ng kanyang mga subordinates. Kung ang mga department heads daw ang masusunod, mas gusto raw nila ang veteran female executive kesa sa bago nilang boss.

Yap! Gustung-gusto siya ng mga tauhan ng Siyete kahit na number one kaaway siya ng ina ng matangkad na TV host/actress… getz?

BLIND ITEM. MARAMI ANG HINDI nakaaalam pero regular disc jockey pala sa Mansion Bar sa Angeles, Pampanga, ang sikat na international rap artist na si Apl de Ap!

Kapag nasa ‘Pinas ang member ng Black Eyed Peas ay hindi puwedeng hindi ito dumaan sa Mansion Bar para mag-DJ.

Yup! Sa hallway nga ng Mansion Bar, e, ang portrait agad ni Apl de Ap ang inyong makikita katabi ang portrait ng eventologist and bar owner na si Tim Yap.

Ang sabi sa amin ng mga Cabalen sa Mansion Bar, kapag nandu’n si Apl de Ap, e, ‘sankaterbang mga tsiks din ang dumidikit sa kanya kasama na ang ilang mga celebrities.

Meron nga raw isang has-been na sexy star ang dumikit noon kay Apl de Ap habang nasa DJ booth ito at nagpapapansin.

Itinataas at ibinababa raw ng sexy star ang strap ng kanyang blouse sa harap ni Apl de Ap habang nagsasayaw pero imbes na matuwa ay nainis ang magaling na rap artist at ipinababa ito sa tabi ng DJ booth sa tulong ng mga bouncer. He-he-he!

Again, nainis si Apl de Ap at hindi natuwa… getz?

Anyway, kumpleto ang Mansion Bar dahil nandu’n din ang Enclave Villas para sa mga guests na gustong mag-relax at ayaw munang umuwi sa Manila. Madalas din daw du’n si Apl de Ap pero ewan lang namin kung sinundan siya ng has-been sexy star hanggang sa kanyang villa. He-he-he!!!

IN NA BA NGAYON ang mga pelikulang hubaran?

Paano ba naman, sa mga ipinadalang litrato sa amin ni Papa Boy Pilapil na manager din nina Sofia Lee and Victoria Kurt, e, super sa paghuhubad ang ginawa ng baguhang sexy star na si Lorraine Lopez.

Aba, feeling nga namin, e, wala ni katiting na inhibition si Lorraine kung hubaran ang pag-uusapan base sa mga litratong ipinadala sa amin.

Araro ang title ng pelikulang pino-promote ni Lorraine na prinodyus ng Leo Films na dinirek ni Bong Ramos. Kasama rin sa pelikula sina Paolo Rivero and Jeff Luna.

Sana nga, umararo sa takilya ang movie na ito ni Sixto Dy ng Leo Films para maging in ulit ang mga sexy movies gaya nu’ng early 90s. He-he-he!!!

Siguradong matutuwa ang mga kapanalig ni Papa Azzi kapag nagkataon!!!

For reactions, please e mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleRubi, hindi magandang impluwensiya?!
Next article‘Pag tuluyang lumayas sa Dos: Willie Revillame, magpapainterbyu kay Joey de Leon sa Startalk?!

No posts to display