Hari ng Sweden, bumisita sa Yolanda survivors

MAINIT NA sinalubong ng mga survivors ng supertyphoon Yolanda ang hari ng Sweden na si King Carl XVI sa Tacloban City at lalawigan ng Leyte.

Dakong alas-9:00 kahapon ng umaga nang dumating sa Tacloban City airport ang hari ng Sweden na sinamahan ni Vice Pres. Jejomar Binay.

Kabilang sa mga sumalubong sa nasabing hari ay si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, Leyte Gov. Dominic Petilla kasama ng mga lokal na opisyal na naapektuhan ng supertyphoon.

Pinuntahan ni King Carl XVI ang San Jose National High School sa Tacloban at Leyte National High School kung saan pa rin nananatili ang ilang mga evacuees na sinalanta ng nagdaang bagyo.

Sinabi ng hari na ang kanyang dalawang araw na pagdalaw ng bansa ay bahagi ng scouting at pag-assist sa tulong na ibi-nibigay sa mga apektado.

Nauna na rin aniyang namigay ng tulong ang gobyerno ng Sweden sa apektadong lugar na hinagupit ng kalamidad.

Napag-alaman na si King Carl ay guest of honor sa Invitational Peace Jamboree ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) na siya ring tumatayong Honorary Chairman ng World Scout Foundation.

Nag-inspeksyon din ang hari sa iba’t ibang proyekto ng BSP gayundin ang mga programa ng Swedish government sa Pilipinas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.