‘Hard to fill’ jobs sa bansa, inilabas ng DOLE

INILABAS NA ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang listahan ng 15 uri ng trabaho na itinuturing na “hard to fill” o hirap na mapunan sa Pilipinas.

Sinabi ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na base sa pinagsama-samang impormasyon ng Bureau of Labor and Employment Statistics Integrated Survey at Project JobsFit ng kagawaran, napabilang sa mga trabahong mahirap punan ang: architect; chemical engineer; chemist; environmental planner; fisheries technologist; geologist; guidance counselor; licensed librarian; medical technologist; sanitary engineer; computer numerical control machinist; assembly technician; test technician; pilot; at aircraft mechanic.

Bukod sa mahirap ang ilan sa mga nasabing trabaho, hindi lahat ng eskwelahan ay nag-o-offer ng ganitong klaseng mga kurso. Bihira lang din ang kumukuha ng mga ganitong kurso.

Inihayag pa ni Baldoz na umaasa silang gagamiting gabay ng mga magulang at estudyante ang inilabas nilang listahan.

Hinihikayat din ng DOLE ang iba’t ibang mga institusyon na magbigay ng scholarship sa mga nabanggit na kurso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.