Happy sa Family, Happy sa Pag-Ibig? Julia Montes, low-key pa rin sa relasyon nila ni Coco Martin

Coco Martin and Julia Montes

INABANGAN ng mga fans ni Julia Montes ang guesting nito sa Magandang Buhay kahapon. Trending ang nasabing episode at talagang nag-effort ang mga CocoJul fans sa pagpapa-trend, huh!

Matagal-tagal na rin nang mamaalam sa ere ang successful afternoon series na Doble Kara, pero napanood naman ito ng fans sa Wansapanataym presents Annika Pintasera with JC Santos. Gayunpaman, craving pa rin ang mga fans ng regular exposure ng dalaga lalo na sa primetime block.

Anyway, nag-focus ang episode ng Magandang Buhay sa napakagandang family life ni Julia. Bumalik kasi ang estranged father nito sa Pilipinas at nakilala na niya ang kanyang mga half siblings. Nagbakasyon silang lahat sa Palawan at ramdam na ramdam nig dalaga ang eagerness ng German father niya na bumawi and make an impact sa buhay niya.

 

Here’s to many more firsts and many more great memories ❤ @elnidoresorts #TeamSchnittka

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

Ayon sa press people and fans, isa si Julia Montes sa mga pinaka-sincere sa showbiz na natural ang pagiging mabait. Kahit pa karamihan ng kanyang ginampanang papel ay palaban, very well-mannered daw ito sa real life. 

Sa morning show ay hindi na napigilan ni Karla Estrada na tanungin si Julia about her Hongkong trip with the family at may kamerang gala na nakakuha ng picture niya with no other than Coco Martin’s mom! Imbes na i-confirm or i-deny ang natsitsismis na relasyon nila, dinaan na lang niya sa ngiti at tikom pa rin ang bibig nito.

Well, silence means yes! May mga fans na na-hopia na sana si Julia ang leading lady ni Coco sa upcoming MMFF entry na Ang Panday. Instead ay napunta ito sa beauty queen turned actress na si Mariel de Leon. 

‘Di bale, in real life naman ay si Julia lang ang leading lady ni Coco Martin!

Wish lang namin na sana ay umamin na si Julia dahil come on guys, it’s 2017! Ha-ha-ha!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.