Happy Birthday, Marky Cielo

Kung hindi siguro pumanaw ang Starstruck Batch III Ultimate Survivor na si Marky Cielo noong Disyembre, siguradong nag-eensayo na yun ngayon ng kanyang dance routines para sa birthday celebration niya sa SOP. Panigurado din na visible pa rin siya sa GMA Telebabad block at ang tingin ko nga’y kasama sana siya sa Totoy Bato kasama si Robin Padilla.

Madami ang nalungkot ng biglaang pumanaw ang batang aktor. Isa si Marky Cielo sa iilang artista natin dito sa Pilipinas na tunay nating matatawag na “role model”. Sa katunayan, nga’y pinili siya bilang Ambassador of Goodwill. Siya rin ang bukod tanging Igorot na walang takot na pumasok sa magulong mundo sa showbiz. Mahal na mahal siya ng kanyang mga kababayan at para sa kanila, isa siyang bayani.

Pinahanga tayo ni Marky sa galing nya sa pagsayaw at pagganap bilang superhero sa ilang programa tulad ng Fantastikids at Zaido. Pinaluha din niya tayo sa Bakekang at Kaputol ng Isang Awit. Ilan sa mga naging ka-loveteam niya ay sina Jackie Rice, Yasmien Kurdi, Ryza Cenon, Glaiza de Castro at si Lovi Poe, ang huli niyang nakatambal sa programang La Lola.

Ating balikan ang makulay na buhay ng isang batang minsang nangarap na sumikat at hangaan. May you rest in peace, Marky Cielo.

By Mica Rodriguez

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Happy Birthday, Marky Cielo

  1. Wow that was odd. I just wrote an very long comment but after
    I clicked submit my comment didn’t appear. Grrrr… well I’m not writing all that
    over again. Anyways, just wanted to say superb blog!

  2. Sayang nga talaga si Marky. Sayang hindi siya nakagawa ng maraming pelikula bago man lang siya pumanaw

  3. shittttttttt……………..
    sobrang galing nya…hindi man sya gnung k wafuuuuuu
    pero hataw nmn sya sa lht………
    sobrng….super…over…mega…..nka2panghinyang…..
    sa tu2usin..talbog nya ung mga sumisikat na aktor ngayon
    one of d best……sayang tlga

    happy bday!!! nd rest in peace!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.