Haponesa, Niluray ng Criminology Student

NAUWI SA bangungot ang masayang bakasyon ng isang Haponesa ma-tapos umano itong halayin ng isang lalaking estudyante ng criminology na nagsilbing tour guide ng dayuhan sa naganap na insidente sa Sta. Fe, Cebu kamakailan.

Base sa report ng Cebu Police, ang 27 anyos na biktima na itinago sa pangalang Maiko ay personal na dumulog sa pulisya na nag¬resulta sa pagkakahuli sa salarin na kinilalang si Loreto Espinosa.

Lumalabas sa salaysay ng biktima, naganap ang panggagahasa sa kanya bandang alas-2 ng hapon sa ‘mangrove area’ sa Brgy. Okoy, Sta Fe, Cebu.

Sinabi ni Maiko na sakay umano siya ng bisikleta patungo sa Nature’s Park sa Bantayan, Sta. Fe, Cebu nang aksidenteng mabunggo siya ng salarin na matapos na magpakilala at makipagkaibigan ay nangako sa biktima na sasamahan siya pagtungo sa mga ‘tourist spot’ sa naturang lugar.

Dahilsa bagong salta sa lugar ay tinanggap naman ng biktima ang alok ng suspek. Pero sa halip na samahan siya nito sa park ay dinala sa ‘mangrove area’ o sa mga puno ng bakawan sa may tabing dagat kung saan siya nito pinagsamantalahan.

Samantala, itinanggi naman ng salarin na ginahasa niya ang dayuhang turista pero positibo itong kinilala ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.