Haponesa, natagpuang patay sa condo

PATAY NA nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang Haponesa sa loob ng kanyang condo unit sa Barangay Guadalupe, Cebu City.

Nakilala ang Japanese national na si Reiko Tahakashi, 63, taga-Shizuoka, Japan.

Napag-alaman na dumating ang biktima sa Cebu noong Abril 23 base na rin sa kanyang passport.                     Sinabi ni SPO1 Ruth Violango, ng homicide section ng Cebu City Police Office (CCPO) na wala naman silang nakikitang foul play sa pagkamatay ng dayuhan dahil ang silid nito ay naka-lock at wala ring nakitang ibang tao.

Maging ang mga gamit nito sa loob ng kuwarto ay nanatiling intact.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, si Tahakashi ay may cancer pero hindi pa nila malaman kung saang bahagi ng kanyang katawan, ani Violango.

Una rito, si Melissa Mendoza, administrator ng Woodcreft residences condo na nasa Don Gervacio Quijada St., Cebu City, na pagmamay-ari naman ng isang Feliz Castañares, ang nakadiskubre sa bangkay ng Haponesa sa room number 326.

Ang okupante sa Room 319 ay nagreklamo sa kanila dahil sa masamang amoy na kanilang nalalanghap, dagdag pa ni Violango.

Dahil dito, kanilang inusisa ang lugar at nakumpirmang galing nga ang nasabing masansang na amoy sa kuwarto ng biktima.

Nang mabuksan ang silid ay tumambad sa kanila ang labi ng Haponesa na nakahandusay sa sahig at wala nang buhay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.