Hapones, natagpuang patay katabi ng Shabu

ISANG JAPANESE NATIONAL ang natagpuang patay sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa Cebu City, kamakalawa.

Nakita rin sa tabi ni Masahira Yukenawa, 77, ang limang sachet ng pinaniniwalaang shabu. Hindi naman nakitaan ng sugat o anumang palatandaan na may pumatay sa kanya.
Natagpuan din siyang walang damit pang-itaas habang ang kanyang short ay bahagyang nakababa.
Isasailalim sa autopsy ang bangkay upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng Hapones. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.