Hapon, ninakawan

NAPAGNAKAWAN ANG bahay ng isang Hapon ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay wala sa kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Taka Chan, 62 ng Salvador St., Baesa ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-5:30 ng hapon nang mapansin ng kapitbahay na si Grace Ordinario na wasak ang pinto ng tinutuluyan ng biktima.

Nang silipin ay nakakalat ang mga gamit ng biktima na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Lumalabas na nawawala ang P18,000 at $600 ng biktima kung saan iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.