Hapon, Nagbigti sa Bakuran ng Interpreter

PATAY NA nang makita ang Japanese national na nakabigti sa puno sa bakuran ng tinutuluyang interpreter sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Oka Osama, 66 ng Higashi-Funahashi at pansamatalang nakikituloy sa Waterlily St., BF Homes, Deparo ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi, hinanap ng interpreter na si Romeo Ramil ang biktima kung saan nakitang nakabigti ng tela sa puno sa labas ng inuupahan apartment sa nasabing lugar.

Wala nang buhay ang biktima na naging dahilan upang itawag sa mga pulis kung saan inaalam na kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng hapon.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.