Hapon, ‘Di Nagbayad sa GRO, Arestado

KALABOSO ANG ISANG Japanese national matapos na ireklamo ng isang Guest Relation Officer (GRO) na umano’y ginamit nito subalit hindi binayaran kasabay ng

kabiguan nitong bayaran ang P3,137 bill nito sa loob ng isang KTV bar kamakalawa ng gabi sa Kalibo, Aklan.

Kinilala ang inarestong suspect na si Mikko Sagawa, 40 anyos at bakasyunista sa naturang lalawigan.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-10 ng gabi ay pumasok ang suspek sa TopLine KTV bar na matatagpuan sa Guding Ramos St., Barangay Poblacion, Kalibo, Aklan.

Agad umano siyang umorder ng pagkain at anim na bote ng Red Horse at kinuha ang serbisyo ng GRO na itinago sa pangalang Jackie, 23 anyos.

Sa gitna ng kanilang usapan, kumuha pa raw ang suspek ng kuwarto kung saan hiningi nito ang serbisyo ni Jackie.

Ayon kay Jackie, sa gitna ng kanilang pagtatalik ay nahirapan siya nang husto dahil na rin sa pagkakaroon ng suspek ng sex enhancer (bolitas), subalit tiniis niya ito kung kaya’t gano’n na lang ang kanyang galit nang malamang wala palang pambayad ang suspek.

Agad na nagreklamo si Jackie sa mga security guard ng establisim-

yento at doon ay dinampot ang suspek at dinala sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Sa police station, hindi rin umano makausap ang suspek dahil sa labis na kalasingan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang bigyang-linaw ang insidente.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.