Hapi Jillian’s Day!

IPINAGDIWANG ANG IKA-6 na kaarawan ng Kapuso child wonder na si Jillian Ward na ginanap sa Mc-

Donalds, Tomas Morato, Quezon City noong February 23 na Disney Princess pa ang naging theme. Super sa saya ang party ni Bulilit dahil dumalo ang ilang fellow Kapuso talents gaya nina Marian Rivera, Aljur Abrenica, Geoff Eigenmann at marami pang iba. Ito rin ang masasabing kauna-unahan niyang birthday party sa showbiz. Diyusko!

Walang kapaguran ang batang ito at bibung-bibo pa ring sumalubong ng yakap at nagpapabuhat sa mga kakilalang bisita na maya’t maya eh, dumarating para batiin siya at mag-abot ng sandamakmak na gifts. Inaasahan na lalo pang titingkad ang career ng bagets huwag lang na mapapabayaan ng network, huh! Siyempre bukod sa pag-aartista eh, una dapat sa priority ang pag-aaral, ok? Well, mula sa amin dito sa Pinoy Parazzi… Happy Birthday sa ‘yo, Jillian!

Photos by Luz Candaba

Ni MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.