Hanging bridge, nalagot Estudyante, patay sa camping

PATAY ANG ISANG 15-anyos na babaeng estudyante habang 4 pa ang sugatan makaraang mapatid ang hanging bridge na dinaanan nito na bahagi ng kanilang camping sa bayan ng Macalelon, Quezon kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Abigail Palo, 4th year high school student ng Macalelon High School.

Ginagamot naman ang apat pang estudyante sa Gumaca District Hospital.

Ayon kay Sr. Insp. Henrich Alacris, hepe ng Macalelon Municipal Police Station, alas-10:45 ng umaga nang maganap ang insidente kung saan 50 estudyante ang kabilang sa camping sa bulubunduking lugar.

Bahagi ng camping ang tumawid sa hanging bridge na may lalim na 15 metro sa ilog suba-lit biglang bumigay ang matanda nang hanging bridge.

Pagbagsak sa ilog ay inanod na si Palo habang nasagip naman ang apat na iba.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.