Hangin sa kamaynilaan, nakaka-cancer

PUNO NG nakalalasong kemikal na maaaring magdulot ng cancer ang hangin sa Metro Manila.

Lumalabas sa pag-aaral ng environmental chemist ng University of the Philippines-National Science Research Institute (UP-NSRI) na si Dr. Evangeline Santiago, na puno ng nakalalasong polycyclic aromatic hydrocarbons (PAHs) ang hangin sa Kamaynilaan.

Ang PAHs ay isang uri kemikal na napatunayang sanhi ng sakit na cancer. Namugmula umano ito sa ibinubugang usok ng mga sasakyan.

Base sa ibang mga pag-aaral, lumalabas din na isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng breast cancer sa Asya. Tingin ni Santiago, may kinalaman ito sa maruming hangin.

Sinabi naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nasa proseso na sila ng pakukumpuni ng mga bagong makina para ma-monitor ang mga pollutants sa hangin gaya ng PAHs.

Samantala, mungkahi ni Santiago na bawasan na ang mga sasakyan sa kalye at ayusin ang mass transportation system para mabawasan ang panganib na dulot ng maruming hangin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

One thought on “Hangin sa kamaynilaan, nakaka-cancer

  1. Buti naman at nahalata nang masyadong mabantot at madumi na sa bansa natin.Dumaan ka nang river wow ang bantot basura dito basura doon.Mga sasakyan na almost walang mga katalysator.

Leave a Reply

Your email address will not be published.