Hangga’t walang international mediation; MNLF, ‘di titigil

HINDI TITIGIL sa pakikipaglaban ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa tropa ng pamahalaan sa Zamboanga City hangga’t hindi pumapayag ang pamahalaan sa hiling na mamagitan ang isang international body sa gulo.

Sinabi ni Rex Bugarin, abogado ni Nur Misuari, nais ng MNLF na mamagitan na ang Organization of Islamic Conference (OIC) o ang United Nations (UN) para matapos na ang krisis na kumikitil sa mga rebelde, militar, pulis at sibilyan.

Libu-libo na rin ang inilikas at nawalan ng bahay dahil sa sagupaan.

Ayon kay Atty. Emmanuel Fontanilla, tagapagsalita ng mga rebelde, ang patuloy na hindi pagsunod sa kagustuhan ng MNLF ay indikasyong gusto ng pamahalaan na lumawig pa ang bakbakan upang maalis ang atensyon ng publiko mula sa pork barrel fund scam.

Una namang nang nilinaw ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na sila na ang gumawa ng paraan para makumbinsi ang Indonesia na mamagitan sa pamahalaan at MNLF.

Samantala, lumapit na rin sila sa OIC Peace Committee ngunit walang tumugon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.