Hanggang date lang daw
Princess Snell, ‘di raw nagpa-take home kay Vin Diesel

NAKU, HA?! Napagod na rin pala ang mga kapulisan sa Cavite, umalis na rin pala sa bahay nina Sen. Bong Revilla at tumigil na rin sila sa pagbabantay.

Nakakaloka! Ilang araw Rin silang nakabantay du’n dahil naghihintay sila ng search warrant para matuloy na paghalughog nila sa bahay nila sa Cavite.

Sabi naman ni Bong, wala silang itinatago, willing silang pasukin ang bahay nila sa Cavite at hanapin du’n ang kung ano man ang gusto nilang hanapin basta may search warrant lang.

Eh, napagod din sila sa paghihintay, wala silang ma-produce na search warrant kaya ayun umuwi na rin silang nganga!

Kuwento nga ng ilang nandu’n sa bahay nina Bong, nakakaawa na raw ang ibang pulis dahil hindi rin daw nila maintindihan kung bakit sila pinabantay du’n.

Sumusunod lang naman daw sila sa utos kaya wala silang magagawa.

Ang iba raw gutom na gutom pa dahil hindi naman sila makaalis para kumuha nang makain nila. Kaya si Bong pa daw ang nagpapakain sa kanila. Naawa naman si Bong dahil ang karamihan du’n hindi man nila gusto, wala silang magawa kundi sumunod sa utos.

Sabi ni Bong, itutuloy pa rin niya ang pagsampa ng kaso laban sa kanila dahil sobrang na-harass daw silang lahat.

May sakit pa ang Daddy nila na nasa loob ng bahay. Eh, kung merong nangyari du’n? Paano nila pananagutan ‘yan?

Kaya ang alam ko, paiimbestigahan ‘yan ni Bong sa Senado dahil nagagawa nga nila ang ganu’ng pangha-harass sa isang senador, ano pa kaya sa mga ordinaryong mamamayan?

Mabuti na lang at napakalaki ng lamang nina Lani at Jolo, pati si Mayor Strike Revilla, kaya wala silang nagawa para madyikin ‘yun at panalunin ang mga kalaban.

Hay, naku! Malinaw na pulitika talaga ‘yan kaya dapat ngang paimbestigahan ‘yan ni Bong.

Kasali pala si Bong sa event ng GMA Pinoy TV sa Amerika, kaya aalis din sila ni Lani para sabay na rin ang bakasyon.

 

NAKU, HA?! Feel na feel nitong Princess Snell na sinagot sa Startalk ang isyung nag-date daw sila ni Vin Diesel nu’ng nandito sila para sa Asian premiere ng Fast and Furious 6.

Nu’ng pagkatapos daw kasi ng premiere night nila nu’ng Miyerkules, nagkaroon ng party at ewan ko bakit nandu’n naman itong Princess Snell.

Siguro imbitado naman siya, pero bakit siya inimbita? Ano ang konek niya sa pelikula?

Sabi raw ni Vin nu’ng nagkakilala sila, sinabihan daw siyang mukha naman siyang Princess at siguro nakipaglandian nga sa kanya.

Sabi niya, totoong nag-date daw sila ni Vin, pero unfair naman daw sa kanya na isyuhan pa siyang na-take home ito.

Okay, fine! Eh, ‘di hindi. Pero feel na feel nitong hitad ang pagkasabing babalik daw rito sa Pilipinas si Vin para gumawa raw ng pelikula.

Hindi naman niya sinabing siya ang babalikan dahil sabi pa nitong Princess, hindi naman daw niya type si Vin. O, ‘di ba? Bongga siya, ha!

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Hanggang date lang daw
Princess Snell, ‘di raw nagpa-take home kay Vin Diesel

  1. MAGANDA NAMAN ANG HITAD ALTHOUGH HALATA ANG NOSELIFT. TEKA, BAT MAHILIG UMEKSENA ITECH? ITO RIN YUNG UMEKSENA KAY PACQUIAO DEVAH? HAHAHAHA

  2. akala ko naman kung sinong sikat itong naka-date ni vin diesel yun pala isang hamak na sincha, da who at starlet lang ng kapupo haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.