Handicraft na Yari ng Bulacan Inmates, Naka-Exhibit para sa AlkanSSSya

MATAPOS MAKITA ng publiko ang exhibit para sa “AlkanSSSya”, hiniling ng pamunuan ng Social Security System na sa Maynila na idisplay ang iba’t ibang produktong handicraft na gawa ng mga detinado ng Bulacan Provincial Jail.

Layon nitong matulu-ngan ang inmates upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isang pamilya na walang sapat na pinagkakakitaan.

Ayon kay May Cathrene Ciriaco, vice-president for Management Services and Planning Division ng ahensya, malaking tulong sa mga nakabilanggo ang maibenta ang ipinagmamalaking produkto na yari sa recycled materials, tulad ng plastic, karton, at iba pa. na tutugon din sa programang “AlkanSSSya” sa temang “Kabuhayang Pinagsikapan sa AlkanSSSya, Seguridad na Maaasahan.”

Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng pamunuan ng SSS at mga opisyal ng mga BPJ sa pangunguna ni Provincial Jail Warden retired Lt.Col. Pepito B. Plamenco, Rick Iberra, mayor ng mahigit sa 2000 inmates ng bilangguan at itinuturing na pangkalahatang ama ng BPJ, SSS officer na sina Josefina  Magana (officer in charge, Luzon group) Vilma Agapito (division head), at Francisco P.L. Lescano.

Nasa 146 inmates ng BPJ ang awtomatikong miyembro ng AlkanSSSya na makatatanggap rin ng benepisyo na katulad ng mga nasa pribadong kumpanya.

Ayon naman kay Ret.Lt.Col  Plamenco, marami sa mga nakakulong na bilango ang nag-iimpok sa programang “AlkanSSSya” kung saan buwanang magbibigay ng kontribusyon ang inmates ng halagang P312 na babayaran nang paunti-unti.

Aniya habang nasa loob sila ng kulungan, patuloy ang kanilang buwanang paghuhulog kung saan sa pamamagitan ng ginawang alkansiya sa loob ng piitan nila ilalagay ang kanilang mga inipong pera at pagkatapos ay ilalagak sa ginawa nilang munting kaha na magsisilbing bangko sa loob mismo ng bilangguan.

Sinabi naman ni Mayor Iberra, na maaari silang mag-impok sa nabanggit na programa ng SSS, dahil tiyak na malaki ang maitutulong nito sa kanilang pamilya dahil matapos nilang maging miyembro ng SSS, maaari na silang mangutang sa ahensya na suportado naman ni Bulacan Governor Willy Alvarado at Vice-Governor Daniel Fernando.

Naninidigan naman si Iberra na walang dapat ipangamba ang SSS sa sistema ng pagbabayad ng buwanang hulog dahil maraming pinagkakakitaan ang inmates ng Bulacan, tulad ng paggawa ng han-dicrafts na buntal, basket na abaca, mga figurine at marami pang iba.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.