Handa, sinabotahe 18 bagong kasal; 50 iba pa, nalason sa mass wedding b

MISMONG ANG pamahalaang lokal ng La Union ang nag-utos na imbestigahan ang pagkalason ng mahigit sa 50 katao kabilang ang bagong kasal at ang nagluto sa handaan sa Barangay Upper San Agustin, bayan ng Bauang.

Ayon kay La Union kay Bauang Municipal Mayor Eulogio Martin de Guzman III, kanya nang inatasan ang health officer ng bayan na manguna sa pagsisiyasat.

Sa ulat, kabilang ang naturang bagong kasal mula sa 18 pares na nag-isang dibdib sa isinagawang mass wedding sa simbahan bilang bahagi ng padiriwang ng piyesta sa kanilang bayan.

Galit na galit ang alkalde at nais na malaman ang tunay na sanhi ng pagkakalason sa pagkain ng mga nagtungo sa handaan at mabigyan ng kasagutan ang ilang mga haka-haka sa nasabing lugar.

Inamin naman ng nagsilbing cook sa naturang handaan na si Cesar Hipona, na maging siya ay hindi rin nakaligtas sa food poisoning.

Sa katunayan aniya, hanggang kahapon ay dumanas din siya ng pagkahilo at panghihina ng katawan matapos silang makisalo sa pagdiriwang ng ikinasal na kaanak na si Kathlyn Hipona at ang asawa nito na si Francisco Aquino.

Sa paliwanag naman ni Dr. Luzviminda Monico ng Naguillan District Hospital, kung saan doon dinala ang mga pasyente, maaari umanong nagkaroon ng kontaminasyon o pagkapanis ang ilang putaheng inihanda sa kasalan dulot na rin ng mainit na panahon o kaya naman kontaminado ng masasamang bakterya ang mga ginamit na sangkap sa pagluluto.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.