Hanapbuhay Caravan, inilunsad sa Navotas

IPINAGMALAKI NI NAVOTAS City Mayor John Rey Tiangco, ang matagumpay na paglunsad ng Navotas Hanapbuhay Caravan noong Setyembre 15, 2011 isang programa na naglalayong lalo pang maipaabot sa mga Navoteño ang iba’t ibang tulong pangkabuhayan.

Ang Navotas Hanapbuhay Caravan ay unang ibinaba sa Barangay Bangkulasi, kung saan nagkaroon ng mga libreng seminar para sa mga job applicant tungkol sa tamaang paraan ng pananamit at pagsagot ng mga tanong sa interview at libreng mga serbisyo tulad ng dental cleaning, hair cut, facial massage at make-up.

Nagbigay rin ng Entrepreneurial Skills Training, Hands on Training on Valu-Added Fishery Products, Orientation Seminar on Cooperative Development at Tulong Puhunan Seminar sa nasabing caravan.

Umabot sa 90 residente ng nasabing lungsod ang nagparehistro para sa mga nasabing seminar at workshop habang higit-kumulang naman sa 150 ang walk-in applicant.

Dumating din sa nasabing okasyon ang batikang host na si Anthony Taverna upang personal na kapanayamin si Mayor Tiangco at malaman kung ano pa ang mga nakahandang proyekto niya para sa Navotas at pinuri rin nito ang alkalde.

Bunga ng magandang proyekto ng ama ng lungsod ng Navotas, naipalabas ito sa programang Ako ang Simula, ng ABS-CBN, ito ay ang mga produktong inilahok ng iba’t ibang barangay ng Navotas sa isinasagawang Search for the Outstanding One Barangay One Product ng Navotas Hanapbuhay Center at taas-noo ring ipinagmamalaki ni Tiangco ang kanyang constituents dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanyang mga proyekto.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.