Hanapbuhay Caravan, Inilunsad sa Navotas

UPANG MATUGUNAN ang suliranin sa kahirapan at kawalan ng hanapbuhay ng residente sa Navotas, naglunsad ang pamahalaan lungsod ng proyekto rito, ang Navotaas Hanapbuhay Caravan, kamakailan kasabay ng pagselebra ng National Labor Day.

Hinikayat ni Navotas Mayor John Rey Tiangco, ang kanyang mga constituent na mamuhunan para magkaroon sila ng sariling negosyo at makapag-ipon.

Kasabay nito, personal na nag-ikot si Tiangco sa mga pampublikong palengke sa lungsod para magsagawa ng seminar sa mga tindero’t tindera kung paano mapanatili at mapalago ang kanilang negosyo.

Ang 14 na barangay ay iikutan para magsagawa ng seminar hinggil sa kung paano magsimula ng negosyo at pagpahahalaga sa trabaho.

Nagkaroon din ng job fair at aplikasyon para sa tulong puhunan.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.