Hamon ni Miriam na Makipag-debate, Tinanggihan ni Enrile

TINANGGIHAN NI Senate President Juan Ponce Enrile ang hamon ni Senador Miriam Defensor-Santiago na makipag-debate sa kanya.

Sinabi ni Enrile na walang saysay ang makipag-debate kay Santiago dahil legal ang pagbibigay ng nasabing cash gift.

Hamon ni Enrile: “Kung ako ay lumabag sa batas, sino man sa bayan ay p’wede akong kasuhan at kung ako ay nagwaldas ng pera ng bansa, ang COA, p’wede akong kasuhan. Ang Ombudsman ay p’wede akong kasuhan.

“Kaya ‘yung mga salita nang salita na mali ang ginawa ko, p’wede nila akong isakdal at p’wede rin akong dalhin sa Ehtics Committee ng Senado, eh. Nasa budget ‘yan eh, nasa GAA (General Appropriations Act) ‘yan: ang kapangyarihan ng Presidente ng Pilipinas, ang Chief Justice of the Supreme Court, Speaker of the House at Senate President to re-align savings for the use of their offices,” ayon kay Enrile.

Maaalala na binatikos ng senadora ang pagbibigay ni Enrile ng pera sa mga senador, kung saan ang karamihan ay nakatanggap ng P1.6 milyon habang sina Santiago, Senador Pia Cayetano, Senador Alan Peter Cayeteno at Senador Antonio Trillanes ay tumanggap lamang umano ng tig-P250,000.

Samantala, hinamon din ni Enrile ang mga senador na gamitin sa tama ang perang ibinigay niya.

Sinabi ni Enrile na kailangan ng karampatang resibo at voucher ang mga paggagastusan ng mga mambabatas para sa check and balances process ng Commissio on Audit (COA).

Sakali aniyang mapatunayang hindi magagasta sa tama ang naturang halaga ay posibleng maharap sa kaso sa Office of the Ombudsman ang mga mambabatas.

Maaari rin naman aniyang magastos ngayong taon ang cash gift para sa ipantulong sa mga kababayan, kahit pa 2012 pa ito naibigay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.