Hamon ni Chiz kay Kiko: Isantabi ang Personal na Interes

PINANINDIGAN NI SEN. Chiz Escudero na pinag-usapan na nila ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pag-amyenda ng Justice Juvenile Law.

Ayon kay Escudero, sinabi niya kay Pangilinan na isan-tabi muna ang mga personal na interes at bigyang-pansin ang kinakaharap na problema sa mamamayan para makuha ang hinahangad na solusyon sa nabanggit na problema.

Napag-alaman na si Sen. Pangilinan ang nagpasa ng nasabing Juvenile Justice Law.

Nilinaw naman ni Sen. Escudero na wala naman silang naging problema ng senador tungkol sa nasabing hakbang.

Umaasa naman ang opisyal na maamyendahan ang nasabing batas at makita kung ano ang magandang solusyon sa nasabing problema. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.