Hamon ng SC sa nagpapakalat ng Bar Exam leak issue, maglabas ng ebidensiya

KASUNOD NG PAGTATAPOS kahapon ng apat na linggo ng 2011 Bar examinations na ginanap sa University of Santo Tomas (UST), tiniyak ng Korte Suprema na hindi madudungisan ang kredibilidad ng nasabing pagsusulit.

Ito ang naging pahayag ni Supreme Court spokesman at Court Administrator Jose Midas Marquez sa mga lumutang na report na nagkaroon ng leakage sa nasabing eksaminasyon.

Hamon ni Marquez, kung sinuman ang may mahalagang impormasyon ukol sa naturang pandaraya sa pagsusulit ay welcome umano sa kanilang tanggapan, para magawan ng agarang aksyon ang mga sangkot sa katiwalian.

Nagsagawa na rin ng berepikasyon ang korte sa pangalan ng umano’y taong sangkot sa leakage issue ngunit wala umano sa listahan ng kanilang mga examiner ang nasabing indibidwal.

Dismayado naman ang ilan sa mga kumuha ng pagsusulit dahil posible umanong masayang ang kanilang pagod kung uulitin ang Bar exam dahil lamang sa mga kumakalat na sabi-sabi. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.