Hamon ng Kampo ni FG, Tinanggap ni Lacson

 

TINANGGAP NI Sen. Panfilo Lacson ang hamon ni Atty. Ferdinand Topacio na kung mapatunayan niya na may secret bank account ang kanyang kliyente na si dating Unang Ginoong Mike Arroyo at kapatid nitong si Iggy ay kanyang ido-donate ang pera.

Sinabi ni Topacio na dapat makinabang sa pera ang pamilya ng mga umano’y ni-rubout na miyembro ng Kuratong Baleleng Gang kung saan isinangkot ang senador.

Ayon kay Lacson, ang dapat munang gawin ni Topacio ay pumirma ng waiver at kapag ginawa niya ito ay ibibigay niya ang account numbers, pangalan ng mga bangko at account names.

Hinamon din ng mambabatas si Topacio sa pagsasabing kapag kanya nang nailabas ang pera na nagkakahalaga ng P2 bilyon na nakadeposito sa lokal na bangko ay ito na ang mag-donate.

Ipinahayag nito na hanggang ngayon ay aktibo ang dalawang accounts ng magkapatid na Arroyo dahil nagpapatuloy ang mga transaksyon ng pera.

Nilinaw rin ng senador na iba pa ang account sa Jose Pidal account na inako ng namayapa nang si Rep. Iggy Arroyo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.