HAMON KAY WILLIE REVILLAME… TAPATAN MO ANG EAT… BULAGA!

KESA sa pinatututsadahan ni Willie Revillame ang mga kaibi-gang Randy Santiago at John Estrada dahil sa pagtanggap ng mga ito ng noontime hosting job sa ABS-CBN, a most ideal scenario is for TV5 to transfer Willie’s Willing-Willie sa tanghali, at maglabu-labo na sila ng Eat Bulaga!

Hindi pa man, pinangunahan na ni Willie ang malabong pagre-rate ng bagong ABS-CBN show.

On that note, agree kami sa kanya. Banggain ba ang Eat Bulaga, na sa loob ng maraming taon ay hindi naman natinag?

EB has seen its rival shows come and go, ni-repackage na’t lahat, pinabongga kuno yet all of them have seen “death” at its most tragic. Pero kung hinahamon din lang ni Willie sina Randy at John, let his challenge be TV5’s programming concern.

Nagpapakaagresibo rin lang ang Kapatid Network, maanong three-sided  pukpukan  na  ang   maging labanan: Eat Bulaga, Willing-Willie at ang bagong noontime program ng Dos?

Only then can Willie lay claim na angat ang kanyang show, but definitely not over Eat Bulaga. This time around, hindi na ito trabaho lang, personalan na.

BLIND ITEM: How about provinces assigned to the names of the following characters?

Pumalag si Romblon sa mga negatibong naisusulat tungkol kay Leyte, kesyo hindi raw ‘yon makatutulong sa proyektong pinagsasamahan nila. But how can Romblon help it? Nitong mga nakaraang araw, talaga namang in the news si Leyte, lalo’t ginamit pa siyang dahilan sa kaso ni Samar.

Walang dapat sisihin si Romblon kundi ang nasa likod mismo ng proyekto nila ni Leyte, dahil kung hindi ito pinasipot sa isang pagtitipon kamakailan, hindi sana ito kinuyog ng press.

Kung tutuusin, wala namang dahilan para umastang maangas si Romblon, whatever issue involving Leyte has nothing to do with their project.

In fact, masyado na ngang bugbog sa publicity ang kanilang proyekto, na sa sobrang hardsell promo nito para lang makasigurong papatok ito, kumbaga sa pagkaing mayaman sa cholesterol, nakakaumay na!

Will somebody please give me a tiny piece of bukayo, pampaalis ng suya?!

Teka, kelan pa naging press-unfriendly si Romblon? Never naman itong naging image niya, ah?

Ayokong isipin na malayo talaga siya kay Denmark. Ay, hindi na pala ito province! Malayo talaga dahil sa Europe ang Denmark!

OUR condolences to the family and relatives of Ret. Gen. Angelo Reyes. Sa maikling VTR  feature  ng kanyang simulain hanggang mapabilang sa gobyerno, I could not help but be starstruck by the gentleman’s looks when he was much younger.

Marami kasi sa kanyang mga anggulo sa litrato ay may pagkakahawig kay Vhong Navarro. Hindi ko rin napigilang maikunek ang pelikulang Bulong ni Vhong which opened last Wednesday.

Martes ng umaga nang magbaril sa sarili ang retiradong heneral sa puntod ng kanyang mga magulang, tila may ibinulong muna sa mga yumao bago isinagawa ang pagpapakamatay.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

10 thoughts on “HAMON KAY WILLIE REVILLAME… TAPATAN MO ANG EAT… BULAGA!

  1. Kahit anong ibato nila kay Willie walang nangyayari. nadyan parin ang show nila, try ninyo nalang next time baka magkamali uli si willie. lol

  2. DATI GUSTO KONG PINAPANOOD DATI SI WELLIE SA WOWOWEE PERO NG MEDYO SIKAT NA SYA AY NA OVERPOWER NA SYA AT HAMBUGERO MAGSALITA SA IBA PARANG HAWAK NYA LAHAT TAO AT MGA FRIENDS NYA..DI MAGANDA YON! DAPAT BAGO SYA MAGSALITA ISIPIN MUNA NYA KONG HINDI BA NAKAKASAKIT NG KAPWA! PATI BEST FRIEND BALAAN PA NYA KONG SA ABS-CBN MAG WORK DI NA SYA AATTEND NG KASAL NI JOHN ? ANO YON BAKIT NYA ISALI ANG PERSONAL NA BUHAY SHOWBIZ IS SHOWBIZ!!! TANGA KA PLA WELLIE IKAW ANG NAG USE NG MGA FRIENDS MO DAHIL MAY SARILI KANG SHOW AT PERA..

  3. carrie, bumabalik lahat ang sinasabi mo at wini-wish mo pa na matsunami ang lahat ng galit kay willie. Yan ba ang mabuting tao?

  4. sus feeling mo naman puro lahat ng nagocomment ng nega about willie galing abs..marami din galit na mga kapuso sa kanya..khit noong nasa WWW pa kasi nuknukan ng yabang..kung nasa gma 7 yan di uubra yan..buti na lang din suspended sya dati sa ginagawa nya sa dos…mag RPN 9 na lang sya..haha

  5. heto na ang mga galit kay willy na taga abs dba tinapatan nila ng wowowee at dba tinatalo din cla sa ratings?aminin ninyo nawla kyong kuwentang tao puro galit sana matsunami kyo hahahahaahahaha magbait na kyo ndi iyong puna kyo ng puna mas demonyo pa kyo kay willy…..

  6. ADVICE KO LANG KAY WILLIE, HWAG MO NAMAN MASYADONG TIRAHIN OR SABIHAN SILA RANDY SANTIAGO AT JOHN ESTRADA KUNG TINANGAP NILA IYONG ALOK NG ABS-CBN, KAILANGAN RIN NILANG KUMITA PARA SA PAMILYA NILA, IYONG INO-OFFER MO SA KANILA PURO PLANO LANG NAMAN, TAPOS MAGAGALIT KA PA, KUNG TALAGANG KAIBIGAN KA, DAPAT MAGING MASAYA KA SA KANILA AT MAY SHOW NA SILA.

  7. korek ka pilya pero cguro ndi mo rin maiaalis kay wil iyon kc nga sobra cyang magmahal sa kaibigan lalo na't matagl na kyong bff sana lang kc cnabi ni john kay wil para wlang naging problema cguro kung sa akin din iyon ganon din ang gagawin ko maliban lang sa malaking mali ni willy na cnabi sa buong pilipinas pero cguro ganon na tlaga ang ugali niya pero sa 22o lang marami dyan sa atin na gaya ni margaret na ginampanan ni rita avila sa sab el kung iyong iba ay nanonood daming ganyan..ndi ba?

  8. per willie, he's not angry, no bitterness in his heart and he just wants to make people happy. Bravo! then why don't you just be happy for them and leave john and randy alone; as simple as that. :-)

  9. wahahahahh,..willie,,.just work decently st proffesionally,,yun lang,,wag mong isipin buhay ng ibang tao,,mag focus ka sa sarili mo at life,,linisin mo muna ang paligid mo,,ang pamilya mo,,heheh,,bago ibang life,,,,work,,work,,if u want to help pipol,,go!,.pero tama na pagiging nega,,kase may sakit ka,,at di kana bumabata..be positive at stay wid god,,yun ang importante,…yun lang,,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.