Ham Actress, hinuhuthutan lang ang karelasyong pulitiko?!

ONE TIME, nagtalo ang mag-inang hindi showbiz, pero ang anak na pulitiko ay nali-link sa mga artista. Tumalak ang madir at diumano’y sinampal ang anak. “You’re so stupid! Pinatul-patulan mo ‘yang babaeng ‘yan. Tingnan mo ngayon, inuubos ka! Hinuhuthutan ka na unti-unti!”

Ang tinutukoy na babae ay siyempre, aktres. At feeling ni madir, ang laki na ng nagagastos ng anak nito sa babaeng ito na kung kani-kanino na rin na-link.

Noon pa raw ay may idea na ang madir na isang “huthutera” ang girl na ito, pero ang sabi naman namin sa aming source, “Siyempre, kung ayaw naman talaga ng madir sa kahit na sinong babaeng mai-involve sa anak nila, gagawa at gagawa sila ng paraan para mag-split ang dalawa!”

Naaawa nga kami du’n sa girl. Kasi, kung nagmamahalan naman talaga si aktres at si pulitiko eh, baka naman wagas ang kanilang pagmamahalan. At baka naman mali rin ang akusasyon ng panghuhuthot.

Well, wala na kaming masasabi diyan, kung ‘di sana, matanggap na ng madir ang karelasyon ng anak. Saka if I were the aktres, patunayan ko sa kanila na mali ang ibinibintang nila.

No more clues. Basta kung sino ‘yung aktres na aamin na hamonado siya pagdating sa akting, eh, baka siya nga ‘yon.

By Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Ham Actress, hinuhuthutan lang ang karelasyong pulitiko?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.