Halikang Sam Milby at Bea Alonzo, ‘di na mabilang by Boy Abunda

EXCITED NA AKO sa upcoming movie nina Bea Alonzo at Sam Milby na And I Love You So. Sam and Bea are the newest power tandem in showbiz. Ito bale ang kanilang reunion movie after Close To You in 2006 where Sam was introduced.

And I Love You So is part of Star Cinema’s 16th anniversary offering. Sa trailer pa lang ay alam mo nang napakaganda ng pelikula. I’m sure marami na namang pakikiligin at paiiyakin ang pelikula na tungkol sa walang hanggang pag-ibig. Ika nga ni Bea sa pelikula, “You may have loved him longer but it doesn’t mean I love him less.”

The movie is Direk Lauren Dyogi’s comeback after five years. Hindi matatawaran ang husay ni Direk Lauren pagdating sa paggawa ng mga de-kalibreng pelikula. He can weave magic dexterously in his movies. According to Bea, malaking tulong si Direk Lauren sa kanya dahil tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang kanyang humble beginnings.

Sam shares that there are many firsts in this movie. “This is my first mature role, this is my first team-up with Bea and this is the first time na nag-two-piece swimsuit siya.” Hindi ba’t sinabi ni Sam sa isang interview that Bea is yummier now?

Sam and Bea have an intimate scene. Naka-ilang take nga ba sila sa kanilang kissing scene? Hindi raw mabilang ni Bea because it was shot in different angles.

Exciting ang kumbinasyon nina Sam at Bea. They are both good-looking and talented actors. Sumasagi ba sa kanilang isipan ang posibilidad na maging sila balang araw? Tutal matagal na silang magkakilala. They did Close To You and Maging Sino Ka Man, magkasama sila sa ASAP ‘09 at lagi silang nagkakalapit ng bahay kahit hindi sinasadya. I remember Sam saying that anything is possible. Tingnan natin.

Kanino sasabihin ni Sam ang katagang And I Love You So? “Kay Bea because she is so nice to me. Malaking tulong siya sa akin. She is caring.” Does it mean he is falling for her? “Hindi. We’ve been friends for a long time. But anything is possible.”

Kanino naman sasabihin ni Bea ang And I Love You So? “Kay Sam. He is pure-hearted like a kid. Wala siyang masamang tinapay.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

One thought on “Halikang Sam Milby at Bea Alonzo, ‘di na mabilang by Boy Abunda

  1. I’m excited to watch this movie! Looks like the kind of movie that anyone can relate to.Good luck Bea and Sam!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.