Halal Food Processing Plant sa Bulacan, aprubado na

SAN ILDEFONSO, BULACAN – Mahigit sa 1000 manggagawa ang sigurado nang mabibigyan ng trabaho sa pagkakaroon ng planta na pagawaan ng “Halal” na pagkain ng mga Muslim sa buong bansa at sa karatig-bansa, tulad ng Gitnang Silangan, Asia at Europa.

Sa exclusive interview ng Pinoy Parazzi kay Engr. Ali Pandao, Co-Chairman ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council (BMAAC) na pinamumunuan ni Bulacan Governor Wilhelmino Sy Alvarado, pinaburan ng gobernador ang mungkahing proyekto ng mga Muslim na magkaroon ng planta o pagawaan ng pagkain ng mga Muslim.

Ayon kay Engr. Pandao, itatayo ang naturang planta ng “Halal” Food Process sa 5-hektaryang lupain sa bayang ito, kung saan malugod na tinanggap ng Hari ng Kingdom of Saudi Arabia ang panukalang proyekto.

Aniya, layon nitong mabigyan ng supply ang mga luxury hotel sa bansa, kabilang na ang mga local at international airlines, at iba pang Asian countries.

Nabatid na counterpart ng natu-rang  programa ni Gov. Alvarado ang National Muslim Filipino Commission na suportado naman ang Sangguniang Panlalawigan ni Vice-Governor Daniel Fernando, kung saan bilyong piso ang ilalaang pondo na ilulunsad na sa unang quarter ng susunod taon.

(TONY DELA PEÑA)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.