Hair Stylist, Nangamoy Nang Magbigti

DAHIL SA mabahong amoy, natagpuan ang bangkay ng nagbigting hair stylist dahil sa dami umanong karamdaman sa Valenzuela City kamalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Fred Leviste, nasa hustong gulang ng Unit 3921 Super Bull Cmpd., Juan Reyes St., Karuhatan ng lungsod.

Sa ulat, alas-7 ng umaga, nakalanghap ng mabahong amoy ang mga kalapit na unit ng biktima na naging dahilan upang tuntunin ang pinanggagalingan.

Nang matapat sa unit ng biktima ay lalong lumakas na naging dahilan upang katukin subalit walang sumasagot.

Kinuha ng may-ari na si Teodoro Santos ang duplicate key ng unit ng biktima at nang mabuksan ay tumambad ang naaagnas ng katawan ng biktima na nakabigti.

Ayon sa kahera ng pinapasukang salon ng biktima na si Marilyn Fulgencio, dumaing sa kanya ang biktima dahil sa sakit sa puso, diabetes at hypertension kung saan huling pumasok sa kanila ang nasawi noong pang Setyembre 24, 2012.

Inaalam na kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.