Love Compatibility: Hahamakin ang lahat! (KC Concepcion – Zanjoe Marudo)

Name: Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion Pangilinan
Screen Name: KC Concepcion
Birthday: April 7, 1985
Zodiac Sign: Aries
Element: Fire
Planet: Mars
Strength: Courageous
Weakness: Not finishing things you start

Name: Zanjoe Marudo
Screen Name: Zanjoe Acuesta Marudo
Birthday: July 23, 1982
Zodiac Sign: Leo
Element: Fire
Planet: Sun
Strength: Honest and loyal
Weakness: Prone to jealousy

Tumatak na sa isipan ng maraming tagasubaybay ng Lovers in Paris ang tambalang Carlo (Piolo Pascual) at Vivian (KC Concepcion). At katulad ng isinasaad ni Balagtas sa kanyang sikat na akdang Florante at Laura, hahamakin ang lahat, masunod lamang ang kagustuhan ng puso. Pero huwag kayo! Mukhang kahit dehado itong si Martin (Zanjoe Marudo) sa puso ni Vivian ay mukhang hinding-hindi siya susuko nang walang kalaban-laban. Dito natin makikita kung papaano magmahal ang isang katulad ni Martin, kung papaano siya lumigaya at higit sa lahat, kung papaano siya masaktan.

Pero papaano kung biglang bumaligtad ang mundo at sa sintu-sintong pagkakataon ay nag-click ang tambalan nina KC at Zanjoe? Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga Piolo-KC fans? Hmm… Huwag n’yo nang kontrahin, katuwaan lang naman, eh. Malay n’yo, mas bagay pala sina KC at Zanjoe. At siyempre, isang paraan lang ang kailangang gawin upang makasiguro, ang tanungin ang mga stars! Simulan na!

Si KC ay ipinanganak noong April 7 at isa siyang Aries samantalang si Zanjoe ay noong July 23 at isa naman siyang Leo. Ang mga Aries ay sinasabing may malaking pagkakatulad sa isang Leo. Sa katunayan, pareho silang mahilig sa kalayaan, at may mataas na level ng enerhiya, na karaniwang kinakailangan nila sa paglabas-labas at paggala. Ang isang Aries ay hindi masyadong hadlang sa buhay na gusto ng Leo at ang Leo ay nirerespeto ang kalayaang hangad ng isang Aries.

Pagdating naman sa buhay may-asawa ng dalawa, ang isang babaeng Aries ay perpektong partner para sa mapusok na si Leo. Ang chemistry sa kanila ay maganda at ang kanilang romansahan ay magdadala ng kakaibang init sa buhay ng bawat isa.

Ang sinasabing natatanging hadlang para sa matiwasay na pagsasama ng dalawa ay ang kanilang pananaw sa mga tao at komunidad na nakapaligid sa kanila. Ang Aries ay gustong mamuhay ayon sa kanyang kagustuhan, na walang pakialam sa iniisip ng ibang tao. Samantalang ang Leon ay masyadong conscious sa iniisip ng iba. Pero kung mararating nilang dalawa ang isang uri ng komprimiso upang malagpasan ang gusot na ito, magiging matiwasay at maayos ang kanilang relasyon.

Iyon naman pala, eh! Maganda ang kalalabasan ng kanilang tambalan. At ang importante pa rito, mapusok ang kanilang pagsasama! Naku, mukhang may laban itong manok nating si Zanjoe. Pero siyempre, sa bandang huli, si KC pa rin ang may say kung sino ang tunay na lalaking magpapaligaya sa kanya, ‘di ba?!

by Jerome Caraballa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.